■Chapter 9■

16 0 0
                                    

Anika

"Ano naman yung pag uusapan natin?" tanong ko sakanya

"Gusto ko sana simula ngayon iiwasan mo na sila Dale" sambit niya. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kaya!! Hindi ko kayang gawin yung gusto niya

"Bakit naman?" malungkot kong tanong

"Ayaw ko lang naman na may naririnig kang masasamang salita nang dahil sakanila" sambit niya. Alam kong concern lang siya. Pero hindi ko talaga kaya yung gusto niya eh

"Sorry pero di ko magagawa yan. Wag kana mag alala saakin kaya ko na sarili ko, kung may sasabihin man silang masasakit saakit edi go. Ayos lang ako." sambit ko

"Please Anika wag ka naman magpakamartyr nasasaktan lang ako eh pag nakikita kang nagkakaganyan" sambit niya

"Sorry kung nasasaktan karin pero please wag mong ipapagawa yun saakin dahil di ko kaya" sambit ko

"Sige pagbibigyan kita ngayon pero pag may nangyari na masama sayo, ako na mismo ang maglalayo sayo" seryoso niyang sabi. Tumango nalang ako sakanya bilang sagot.

Pagkatapos namin mag usap naggoodnight na siya at umalis. Ako eto nag iisip. Alam kong nag aalala lang si Josh saakin pero di ko talaga kaya eh. OA man pero yun ang nararamdaman ko eh so please don't judge me.

Nagshower ako at natulog na. Kinabukasan nagising ako sa sinag ng araw sa may bintana ko. Sabado ngayon kaya walang pasok. Bumaba na ako para magbreakfast.

"Mommy asan si Josh" bungad ko kay Mommy na naghahanda ng almusal kasama si Manang Leli

"Maagang siyang umalis may pupuntahan daw silang magbabarkada eh" saad ni Mommy

"Ah ok. Tocino po bang ulam natin?" tanong ko

"Bat tocino hinahanap mo? Ayaw mo naba ng baked mac?" sambit ni Manang

"Tocino na po kasi ang favorite ko ngayon" sambit ko hahaha sorry tocino talaga favorite ko

"Ok sige magluluto lang ako" sambit ni Manang

"Thank you po Manang" sambit ko. Hinintay ko ang tocino hanggang sa maluto. Kumain na ako. Pagkatapos umakyat na ulit ako sa kwarto

Tinext ko si Kendra pero busy siya sa pinapagawa ng Dad niya. Nagpagpasyahan kong maglibot nalang sa mall. Nagtaxi lang ako papunta dun. Pagkarating ko dumiretso agad ako sa KPOP store. Bumili ako ng unan na BTS at SEVENTEEN and poster.

Nangmagutom ako pumunta ako sa McDonald's nag order lang ako ng fries and drinks ito lang talaga lagi ko inoorder. Pagkatapos pumunta ako sa department store. Naglibot libot lang ako dun. Bago umuwi dumaan muna ako sa Goldilocks. Bumili ako ng Black Forest Cake.

"Anika?" sambit ng tao na nasa likod ko. Pagkalingon ko nagulat ako sakanya

"Oh Kean, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Bibili lang ako ng cake para kay Trixie birthday niya kasi ngayon eh. Ininvite niya kami, you want to join?" sambit niya

"Wag na noh hindi naman ako invited eh. Pakisabi Happy Birthday nalang" sambit ko

"Ganito nalang ihahatid ko lang tong cake tapos babalikan kita dito then mag aarcade tayo" sambit niya

"Wag na noh, aalis narin naman ako eh kanina pa ako nandito" sambit ko

"Oh sige! Hahatid nalang kita" sambit niya hindi na ako tumanggi dahil ipagpipilitan niya parin naman yun. Hinatid na niya ako

Pagkarating namin sa bahay umalis na siya agad. Dumiretso nalang ako sa kusina nilagay ko sa ref yung cake then umakyat na ako sa kwarto ko nakaidlip ako.

Nagising ako mga 8 na ng gabi at wala parin si Josh. Tulog na sila Mommy bumaba ako para kumuha ng pagkain buti nalang at may pizza kaya pinainit ko nalang ito sa oven.

Pagkatapos pumunta akong sala. Nanuod lang ako ng Music video ng seventeen. Hihintayin ko narin na umuwi si Josh. Ilang oras ang makalipas 11 na. May nagbusina sa labas kaya lumabas na ako baka si Josh na yun at hindi ako nagkamali. Nagulat ako kasi may kasama siya

"Sorry ngayon ko lang siya naihatid" sambit ni Dale habang inaalalaya si Josh na lasing na lasing

"Ok lang. Nakakahiya pa tuloy sayo naabala kapa" sambit ko

"Ayos lang yun" sambit niya tinulungan niya akong ihatid si Josh sa loob. "Eto nga pala yung susi ng sasakyan niya" sambit niya sabay abot saakin nung susi

"Saan ka sasakay? Gusto mo hatid na kita" sambit ko. Yiee galawan 101 hahaha

"Wag na, anjan si Jerico sa labas naghihintay sige alis na ako" sambit niya. Hinatid ko na siya sa labas. Inalalayan ko na sa kwarto niya si Josh. Bwesit talaga tong lalaking to akala mo ang gaan ang bigat niya kaya.

Pumasok na ako sa kwarto ko. Bago matulog naglog in muna ako. Bumungad saakin ang post ni Sam na mga picture nila ni Dale. Awtsss!! Ang shhaakeeett

Caption: Your the one <3

Ang sweet nila sa bawat pictures nila. May kumurot sa puso ko. Ang sakit kasi gusto ko sana ako yung kasama niya sa pictures pero hindi eh at malabong mangyari yun

Kung Ako Ba SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon