Anika
Nang lumingon yung tinuturo ni Kendra literal akong napanganga. Yung ex ko at yung babae niya. Siya si Mike De Guzman ang ex ko. Pinagpalit niya ako kay Andrea Garcia. Nawalan kasi ako ng time sakanya dahil sa totoo lang kahit siya ang kasama ko ang laman ng utak ko si Dale lagi kaya siguro yung mga panahon na nagkulang ako sakanya si Andrea yung laging anjan para sakanya. Oo alam ko napaka unfair ko sakanya, kasi ginanon ko siya pero yung nagbreak kami sobra akong nasaktan nun. Di ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko rin naman eh. Nakita rin nila kami kaya lumapit sila saamin.
"Hi Anika" sambit ni Mike
"Hello. musta na?" sambit ko
"Eto ayos lang naman, ikaw musta na kayo ng boyfriend mo?" sambit ni Mike
"Ahh wala akong boyfriend ngayon. Kayo musta naman kayo?" sambit ko
"Ayos lang naman kami" sambit ni Andrea. Ngumiti nalang ako sakanila bilang sagot ko
"Sige una na kami" paalam ni Mike. Umalis na sila. Tinignan ko nalang sila na paalis. Holding hands sila. Nakakamiss tuloy yung saamin. Hays!! Ano ba tong iniisip ko.
Niyaya ko na si Kendra umuwi. Pagkauwi namin. May nakita akong nakaparada na kotse sa harap ng bahay namin. Kanino kayang kotse to? Hindi na pumasok si Kendra at umalis na siya. Pumasok na ako sa loob.
"Baby andito kana pala. May bisita ka" sambit ni Mommy
"Huh? Sino po?" nagtataka kong tanong
"Andun siya sa garden naghihintay" sambit ni Mommy
"Sige po" sambit ko. Pumunta na agad ako sa garden. Nakatalikod siya kaya di ko pa alam kung sino siya. Nanghumarap siya literal akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya ulit.
"Anika anak" sambit niya
"Anak? Kailan mo ba ako naging anak simula ng iwan mo kami" galit na sabi ko
"Sorry anak, alam mo naman yung nangyari saamin ng mommy mo" sambit niya na kinainis ko
"Yun na nga eh!! Alam ko ang dahilan kaya hanggang ngayon di ko matanggal tong galit ko. Dahil sa ginawa mo nasira ang pamilya natin. Kasalanan mo to!!" sigaw ko
"Anika wag mong sigawan ang ama mo. Ama mo parin siya" biglang singit ni Mommy
"Ama? Kailan ba siya naging ama saakin? Mas pinili niya nga yung pamilya niya sa labas eh" sambit ko
"Hayaan mo na siya Anne, naiintindihan ko naman eh kung bakit siya galit" sambit niya
"Oo galit siya, pero di tamang sigawan ka niya dahil kahit ganun ang nangyari ama ka parin niya" sambit ni Mommy
"Anika sana mapatawad mo na ako" sambit ng AMA ko
"Oo nga anak, napatawad na namin siya ng kambal mo. Kaya sana tanggalin mo na yang galit sa puso mo" sambit ni Mommy
"Kung kayo Mommy napatawad niyo na siya, ako hindi pa. Ang hirap kasi eh. Kaya sorry mommy" sambit ko at tumakbo na ako sa kwarto ko. Dun di ko na napigilan na umiyak ng umiyak. Naalala ko nanaman yung mga masasayang alaala namin.
Siya si Edrian Lopez ang daddy ko. Masaya sila noon ni Mommy pero napilitan siya magtrabaho sa ibang bansa para sa pangangailangan ni Mommy sa pagbubuntis niya saamin ni Josh. Dun niya nakilala ang babaeng naging dahilan kung bakit nasira ang relasyon nila ni Mommy. Si Mary Salvador, nabuntis siya ni Daddy.
Nang malaman yun ni Daddy umalis siya at umuwi saamin. Ilang taon niya itong tinago saamin. Hanggang dumating yung araw na pumunta yung babae sa bahay namin. Mga 5 years old na kami nun ni Josh. Kasama niya yung anak nila ni Daddy na isang taon lang ang tanda namin. Sinabi niya ang lahat kay Mommy kaya sobrang galit na galit nun si Mommy pinalayas niya si Daddy. Hindi ko iyon pinigilan dahil pati ako galit na galit sakanya. Simula nun sinabi ko na sa sarili ko na wala na akong ama.
Yung mga panahon na sobrang lungkot ni Mommy may isang tao ang laging anjan para sakanya. Ang stepfather ko si Alexander Smith. Daddy Alex ang tawag ko sakanya. Minahal ni daddy alex ng tunay si Mommy at napasaya niya ito. Kaya yung niyaya niya si Mommy na magpakasal pumayag ako. Naging mabuti siyang ama saamin ni Josh. Siya ang pumuna lahat ng pagkukulang ng tunay naming ama.
Natulog na ako ako dahil napagod ako kakaiyak. Sigurado namumugto mata ko bukas.

BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Fiksi RemajaMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko