Anika
Pagkagising ko ginawa ko na ang daily routines ko. Then, bumaba na ako para mag almusal.
"Anika, mamaya hintayin mo ako sa parking lot at sabay na tayo umuwi" aniya ni Josh. Nakakabigla naman siya bigla gusto niya ako kasabay umuwi. Anong kayang nakain niya?
"Ok, pero daan muna tayo sa bahay nila Kendra, may kukunin kasi akong notes namin para sa science" sambit ko. Tumango nalang siya. Hahaha alam kong ayaw niya pumunta dun. Wag niyo nang tanungin kung bakit dahil di ko rin alam hahaha!
Pagkatapos namin kumain pumunta na kaming school. Dumiretso na kami sa classroom namin at nagulat ako dahil ang daming nakasulat sa blackboard namin na ang sasakit na salita para saakin.
"Sinong nagpasimuno nito?" sigaw ni Josh
"Ako! Bakit totoo naman lahat ng nakasulat jan ah!! Malandi naman talaga yang kapatid mo!!" sambit ni Samantha
"Alam mo Sam sumosobra kana! Hindi malandi si Anika, Wag ka mag alala sayong sayo si Dale!!" inis na sabi ni Josh
"Ohh come on Josh!! Wag mo ng ipagtanggol yang kambal mo dahil kahit anong gawin mo hindi nun mababago ang katotohanan na MALANDI TALAGA yang Anika na yan" sambit niya.
May kinuha siyang sobre sa lamesa at inabot yun kay Josh. Kinuha yun ni Josh at binuksan. Sa totoo lang kinakabahan ako dito.
"Tignan mo! Una si Dale ngayon pati si Kean nilalandi narin niya. Kawawa naman yang kambal mo masyado nang desperada!!" sambit ni Samantha. Pictures namin yun nila Dale at Kean yung nasa mall kami kahapon.
"Tumigil kana Sam!! Dahil kung di lang ako makapagtimpi sayo baka makalimutan kong babae ka!!" sigaw ni Josh. Natahimik naman bigla si Samantha, di niya siguro inasahan yung ginawa ni Josh
Bigla naman dumating si Dale, tumingin siya sa board pero inalis niya din agad ang tingin niya dun.
Inerase na ni Josh lahat ng nakasulat sa board. Dumating na si Ma'am at nagdiscuss lang siya. Pagkatapos niya magdiscuss. Dumiretso nalang akong library baka pag pumunta pa ako ng canteen, may mangyaring hindi maganda.
"Hoy babae andito kalang pala" sigaw ni Kendra
"Miss nasa library ka po at wala sa palengke, so please observe silence!" sambit sakanya ng librarian. Hay nako! Alam niya naman kasi dapat tahimik lang pag nasa library sumigaw pa siya
"Sorry po" sambit namin at hinila ko na siya palabas.
"Ano bang meron?" tanong ko sakanya
"Nag aalala lang kasi ako sayo, nabalitaan ko kasi yung nangyari kanina. Sorry ah wala ako kanina para ipagtanggol ka sa bruha na yun" sambit niya
"Ayos lang yun, wag nalang natin sila pansinin" sambit ko
"Yan ka nanaman sa pagiging martyr mo!! Dapat wag ganun lagi, inaabuso kana nila eh" sambit niya
"Hayaan mo na sila" yan nalang nasabi ko. Hindi nalang siya umimik
Umalis na siya pupunta pa siya sa office ng daddy niya. May kailangan pa kasi siyang tapusin para dun.
Tumambay nalang ako sa Starbucks, nag order na ako at humanap ng mauupuan. Nag internet lang ako hanggang sa nagtext si Josh.
From: Joshua
Andito na ako sa parking lot! Bilisan mo!! May kailangan pa tayong pag usapan mamaya sa bahay!!Umalis na ako at nagmadaling pumunta sa parking lot

BINABASA MO ANG
Kung Ako Ba Siya
Teen FictionMinsan hindi mo maiwasan itanong sa sarili mo na, KUNG AKO BA SIYA -mapapansin mo KUNG AKO BA SIYA -mamahalin mo ANO BANG MERON SIYA, NA WALA AKO? Yan lang naman ang mga paulit ulit na tanong ko sa sarili ko