Uno-

56 1 0
                                    

-Jia-

Ngayon na ang unang araw ko sa trabaho. Naghahalong kaba, tuwa, at takot. Kaba, dahil bago sa akin itong trabahong pinasukan ko. tuwa, dahil sa wakas ay makaka kita na din ako ng sariling pera at takot na magkamali dahil unang araw ko. Mabilis lang naman ang anim na buwan, baka kapag na-eenjoy ko na, masaya nako, saka naman kailangan mag adjust dahil wala na. Tapos na. Pero, bakit ba nasa pagka endo ko na agad ang focus ko? Hays. Hindi na ako kumain ng almusal dahil baka mahuli ako para sa 12:30pm kong schedule. Babyahe pa, baka may mga seremonyas pa dun bago ako pumasok, basta! Baka madami pa silang echos kaya aagahan ko na ng pasok. Isa pa, wala din ako magawa dito sa bahay kung di pa ako aalis agad. May isang oras pa naman ang byahe namin mula sa bulacan. Nasanay na din akong mag adjust sa oras para di ako ma-late, habang nasa byahe hindi ako mapakali. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, ni-minsan hindi ko pinangarap ang mamasukan sa isang mall. Hindi dahil sa ayaw ko, para sakin kasi ang mall ay lugar ng pasyalan. Hindi lugar na magiging dahilan para ma-stressed at mapagod. Matagal ko na kasing pangarap na sa tunay na opisina magtrabaho, kaya lang ito ang pinagkaloob sakin kaya maluwag kong tinanggap.

Inagahan ko talaga para may oras pa akong libutin ang mall. Malaki ito at bago, hindi ko pa laging pinapasyalan dahil hindi naman nadadaanan ng way ko kapag galing sa school. Suot ang aking uniporme, nakaramdam agad ako ng kakaibang trato. Yung pakiramdam na, nasa bahay ka lang din, kaya lang sobrang dami mong bisita na kailangan asikasuhin.

Nagugutom na agad ako kahit wala pa man, hindi pa nga ako nag uumpisa, gutom na, kasalanan ko din naman dahil di ako kumain. Bago pa ko mag feeling customer ay hinanap ko na yung floor ng papasukan ko.

Unti-unti ko ng natanaw. Lumapit ako sa guard para magtanong..

"Sir, kanino ko po ito pwedeng i-abot?"

Sabay pakita ng endorsement form ko.

"Akin na yang gamit mo, i-che check ko, itali mo din yang buhok mo,tapos akin na yung cellphone mo, buksan mo kunin mo yung serial number at isulat mo dito----"

Wala nakong matandaan sa mga sinabi nya dahil ang bilis nya magsalita at ang dami pa. Kinuha nya ang earphones ko dahil bawal daw iyon sa loob. tapos binulatlat nya din bag ko at yung buhok ko na plinantsa ko pa naman para tuwid, eh pinatali nya sakin! Plus! Ang sungit nya pa.

Naglakad ako sa gitna tapos dulo daw sabay bumalik ulit dahil wala naman akong lady guard na nakita, nung umatras ako, ayun. Lumapit ako dun sa guard at sinungitan nya din ako habang inuutusan kung ano ang gagawin ko sa wallet ko at gamit tapos kinapkapan nya ko. Kinuha nya yung form ko dahil sya na lang daw mag aabot sa manager. Pagpasok ko sa locker, ang stressed agad ng hitsura ko. Wala din pala akong dala na make up kaya slight retouch lang tapos nagpa frisk ulit ako sa guard bago nya ko sinabihang itapat ang i.d ko sa parang telepono o calculator na nakadikit sa pader at may oras sa screen. Pag tapat ko ng i.d ko, tumunog iyon tapos may lumabas na number, tapos pumasok na ko sa loob ng area na may nakasulat na "Authorize Personel Only". Wow! That word is just so big for me..

" hello po" bati ko. Agad naman nila akong inapproach..

"Taray may bago na. Anong name mo?" Tanong sakin ng isang babaeng kapareha ko ng uniporme, matangkad at may kapayatan, syempre maganda.

"Jianne Ri Clemente"

Napatango naman sya.

"Ah, wag ka matakot samin. Hindi kami nangangain ng tao, nanakit lang choz!" Nagbibirong sabi nya kaya naman natawa ako.

Nagpakilala sila kaso hindi ko naman agad naalala, dahil sa dami. Sinabihan lang ako ni ma'am (yung kumausap sakin) na mag observe muna dahil first day ko tapos kapag kaya ko na, magkusa na ako.

Habang lumilipas ang sandali magkahalong saya at pagod na nararamdaman ko. Nakakangawit na sa paa dahil ang tagal na naming nakatayo, tapos naka takong pa pero masaya dahil lahat sila halos ay naka gaanan ko agad ng loob.

"Bago ka?" Aniya sakin ng isang lalaking sales promoter.

"Hindi sya bago, luma! Hay nako peter, mambababae ka na naman" sabat ng kasamahan ko.

"Grabe ka talaga sakin mae, tinatanong ko lang." Halatang na-offend sya dahil binara sya ni mae.

"Opo bago ako" natatawang sagot ko saka sya nginitian.

"Nako be, mag iiwas ka sa mga yan. " aniya ni mae..

"Ay grabe sya oh!" Sagot naman nung peter habang paalis sa area namin.

Halos karamihan ng lumalapit sa desk namin ay ako ang pinapansin, malamang dahil ako ang bago. Kalahati sa karamihan na yun ay mga lalaki. Naalala ko yung sinabi ng trainor namin, na wag na wag kaming maglalapit sa kanila, dahil lahat sila ay magaling magpanggap na Single kahit may asawa na. Ang labo man pero ngayon ramdam ko totoo.. Dahil yung iba may wedding ring na halos, pati ako eh ginagamitan ng pambobola. Men nowadays, basta magmukhang single--Go lang.

Bandang alas tres na kami nagtanghalian. Wala akong binaon na lunch kasi hindi ko na naalala na magluto sobrang gutom tuloy ako, kaya bumili nalang ako sa pinagpwestuhan namin. Kailangan din pala magtoothbrush kaya napabili pa ako saka toothpaste. Halos maubos ko yung perang dala ko.

"Kapag talaga bago, tahimik"

"Po?" Sagot ko naman.

"Nahihiya pa sya mam kaya ganyan " sagot naman ni mae.

"Hindi naman ako nahihiya mam. Hindi ko lang alam ang ida-daldal ko" sagot ko.

"Basta beh focus ka lang lagi sa work mo. Kami naman dyan eh parang tropa-tropa lang" sabi nung mam na kausap ko kanina.

"Mam zy, bili tayong tinapay" ani ni mae.

Ngayon alam ko na pangalan ng nakausap ko, si mam zyra. Ang isa sa head namin sa area namin. After namin kumain umakyat kami sa 3rd floor at nag toothbrush sa cr na nasa parking area. Mainit dahil sa mga usok ng sasakyan at kulob pa. Nang matapos kami ay bumalik na kami sa itaas. Ginaya ko lang ang ginagawa nila, nag aayos kami habang naghihintay ng oras ulit sa locker.

Same procedure, mahalaga na makapag tap kami dahil dalawang beses lang na di kami makapag tap, tigok sa trabaho.

Kapag may nagpapa serial, sinasama ako, para daw matutunan ko. Tapos nung alam ko na, kusa nakong lumalapit kapag may tumatawag kahit nakakapagod maglalakad. Pagsi-serial ang pinaka nagawa ko sa unang araw ko..

Kinabukasan, same pa din pero ngayon opening naman ang schedule ko. Mas inagahan ko pa dahil alam ko, sa umaga mahirap sumakay. Rush hour din kasi, tapos ang epic pa, pagdating ko sa mall di ko malaman kung nasaan yung Employee Entrance. Dahil likas akong hindi matanong, hinayaan ko ang sarili ko na mahanap ito ng kusa. Sinundan ko lang yung nakita ko na alam ko na taga store.. Tapos nag aayos sila sa isang area malapit sa "Smoking Area", may mga benches kasi doon.

Syempre nagayos na din ako, nakikigaya lang.. Tapos bandang 9:20am nagsitayuan na sila kaya gumaya ako, suot ang i d at name plate ko, pumasok kami sa fire exit. Yun pala ang employee entrance sa mall kapag di pa ito bukas.. Medyo nakakahingal dahil sa ika apat na palapag pa, batid ko ang bilis ng kabog ng puso ko. Hindi ko naman to ikakapayat kapag nagkataon e. Pagdating sa tapat ng saradong store hingal na hingal akong nagpa-paypay sa sarili ko..

Tapos ilang sandali lang, lumapit si---mam--- nakalimutan ko ang pangalan dahil di ko pa sya nakausap kahapon, pero sya yung pinaka mother namin sa counter. May pinindot sya tapos umangat yung harang, may guard sa loob, yung nagsungit din sakin kahapon. Ke-aga aga mukha nya agad!? Well. Sana lang wag sya magsungit. Nakita ko na nagsuguran sila tapo kumuha ng papel, so gumaya din ako, sabay pila dahil magpapacheck.. Ganun din ginawa ko..

Tapos nung okay na, nakapasok na ko sa area namin, narinig ko si ma'am na sinabihan akong maglinis. Edi ginawa ko, nagpunas ako mula sa desk namin hanggang sa dulo tapos nagwalis. Pabukas nalang yung store ng matapos ako. Sa umaga, nakaka antok dahil walang tao--este mga customer na bumibili. Maaga pa kasi, at isang bagay pa.. Boring!.

Sa opening, nakilala ko si Rayeli.


🌸🌸🌸
A/n
Some names of the characters were real. Alam naman nila na gagamitin ko ang names nila kasi nagsabi na ako and they are my friends :)
Please do vote or comment 💚

Sino si Rayeli sa buhay ni Jia?.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon