Beinte siete-

6 0 0
                                    

Pa-vote mga beshies hahahaha 😂✌

-Jia-

Alam ko si rayeli ang nagdala sa akin dito sa hospital dahil sinabi ni daddy. Ang bilis naman ng chismis sa store about sa pagkatanga ko dahil nahulog sa escalator, pero yung fact na nabunggo ako ng taxi, hindi nila nasagap.
Not that i want them to talk about it, ayaw ko din, but since mga chismosa sana nilahat na nila. I guess, hindi naman talaga interesado ang lahat sa katotohanan, tulad ngayon, na nandito pa din ako.

I heard some footsteps, bago nya hinawi ang kurtinang naka takip.

"Oh, kieffer."

Humakbang sya papasok at bahagyang sinara ang kurtina.

"May dala ako, incase lang na ma-bored ka na.."

"Salamat, paki-lapag nalang dyan sa lamesa."

Nilapag nya iyon, saka umikot papunta sa gawing kanan ko at naupo sa upuan. Inabot nya ang aking kanang kamay dahil nasa kaliwa ko ang suero.

"Nag-alala ako nung nalaman ko ang nangyari."

"At sino naman nagsabi sayo?"

"I was there too."

Napakunot-noo ako.

"Saan?." Pagtataray ko.

"Nakita ko kung paano ka mahulog jia. Nandun lang ako sa taas noon, naka upo malapit sa sinehan. Lalapit na dapat ako sayo, pero huli na dahil nahulog ka na. Pagsilip ko, nandun si rayeli kaya napatago ako, palabas na din noon ang iba mo pang kasamahan kaya hindi ako nagpakita, alam mo naman ayoko na dagdagan pa ang kanilang mga haka-haka kung makikita nila ako. Tapos nakita ko nalang, buhat-buhat ka na ng mga guards. Pagbaba ko, hindi ko na alam kung nasan ka nila dinala. Tapos may ambulansya, sinundan ko yun sakay ng taxi, kaya nalaman ko kung saang hospital ka dinala."

Halata sa tono ng pananalita nya nag alala nga sya ng lubos.

"Hindi ko alam na nandun ka, sorry. At salamat na din sa concern, look naka-bandage yung paa ko. Hindi ko alam kung kailan ako papasok." Napangiwi ako sa sakit sa bahagyang pagkilos.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan bago nagsalita si kieffer.

"Ri.."

Napawi ang munting ngiti sa aking labi dahil sa pagbanggit nya ng second name ko. Ang tagal na din kasi na may ibang taong nagbanggit sa second name ko..

"Ang cute ng second name mo, Ri." Dagdag nya

"Wala kayang ibang nakaka alam nyan kasi diba, kilala ako sa store bilang Jia lang."

"Edi kapag tayo lang, yun itatawag ko sayo."

"Bahala ka, anyway wala ka bang pasok?"

"Wala."

Nanatili sya sa aking tabi, nakakatuwa na inaasikaso nya ako at aligaga sa pagtatanong sa akin kung ano ang kailangan ko. I wonder if rayeli would do the same thing, dinala man nya ako dito, pero sigurado naman ako na malabo nya akong asikasuhin. Dumating si lola kina-tanghalian at naabutan nya si kieffer na kausap ko. Hindi ko naman talaga kailangan ng bantay, pero yung mga bilin kasi ng doktor sa guardian dapat sabihin. Di din naman nagtagal si lola sa pangungulit na din ni kieffer na sya na ang bahala sa akin. Kinabukasan ay pwede na daw ako umuwi, ngunit bilin nya ay wag muna akong maglalakad. Dahil may pilay yung paa ko at baka ma-dislocate kapag napwersa.

Hindi tuloy naging boring ang araw ko kasi inaaliw ako ni kieffer. kinahapunan, dumating si rayeli.

Medyo naging awkward ang atmosphere sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Natigilan din kami ni kieffer sa masayang pagkukwentuhan dahil nga sa pagsulpot ni rayeli.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon