Otcho.

9 0 0
                                    

-Jia-

Mukha akong tanga.

Mukha akong tanga dahil naka ngiti ako na parang ewan..

Beeeeep!

Ay palaka!! Natauhan ako bigla dahil sa malakas na busina sakin ng isang suv. Naka headset kasi ako at kahit mukhang akong ewan nagawa ko pang mag peace sign kung sino man ang nakakita sakin mula sa loob. Tatawid kasi ako, nasa pedestrian lane naman ako, siguro humaharurot yung maneho nya.

I bit my lower lip.
Gaaaaaaaah! Kinikilig ako emegesh!!


Flashback

"Bat naka ngiti ka?" Tanong nya

"Wala may naisip lang akong kalokohan"

"Oh? Ano naman?"

"Hmm tulad kung kailan mo kaya ako hahalikan sa labi"

Sa isang iglap, nabato nalang ako at di naka react nang halikan nya ako sa pisngi malapit saking labi.

"Next time sa lips na" naka ngiti nyang sabi na animoy nang aasar pa.

"S-sure"


Sure? Nagawa ko pang um-Oo no?.

Since hindi ko alam ang irereact, wala. Kiber lang ako sa ginawa nya.

"Bakit nandito ka pa?" I ask all of a sudden.

"May ginawa lang ako, saka hinintay kita"

"Naks naman rai. " sabi ko pa with matching pasiko-siko effect

"Let's go, hatid na kita"

He grab my hand and lock it to his. Kanina pa to nanghahawak, pasalamat sya gusto ko sya kaya hinahayaan ko lang.

Huminto kami sa sakayan ng colorum na jeep, yung wala sa pila na jeep. Ganun pa din, magkahawak kamay kaya hindi ko tuloy maiwasan na maya't maya kong tignan ang mga kamay namin.

"Sige na iwanan mo na ko"

"Jia, aalis ako kapag naka sakay ka na"

"No need rai, i can handle myself naman. Kapag kasi nandyan ka, tinatamad ako umuwi.."

"Umuwi ka na kasi napagod ka panigurado.."

I pout.

"Ayaw mo na ba ko kasama?"

"Ha? Syempre gusto. Bakit mo naman naisip yan?"

"Ewan, i feel like youre pushing me away."

"Ay grabe naman sya sakin. Hindi naman sa ganun, syempre gusto kita kasama kaya lang maaga pa tayo bukas kailangan mo na maka uwi, malayo ka pa" naramdaman ko na humigpit ang hawak nya sa kamay ko..


Sigh. He has a point, kaso i just want to be with him a little longer..

"Rai .." I said all of a sudden, sinadya ko na palampasin ang mga dumaang masasakyan ko.

Tumingin naman sya sa gawi ko..

"Bakit.. Bakit ganyan ka sakin?"

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo nyang sagot.

"Kasi, ano.. Uhm, ang bait mo sakin tapos lagi mo pa ko pinapasaya ganorn. Naisip ko lang, naging ganyan ka na ba sa iba?"

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko saka ako iniharap sa kanya. Tapos ngumiti, siguro dahil naka ngiti din ako habang naka titig sa kanyang mga mata.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon