Tres-

25 1 0
                                    

-Jia-

I woke up at exact 3:00 am, agad ko din kasing dinampot ang cellphone ko sa gilid kaya nalaman ko na saktong alas tres na. Bumangon ako at sinandal ang ulo ko sa headboard, i reach the glass of water beside me. Lagi akong may tubig para incase na magising ako at nanunuyo ang lalamunan may maiinom ako.
I had a strange dream, may isang lalaki daw akong magugustuhan at hahamakin ang lahat para sa taong ito. Na ultimo maghabol ng literal ay gagawin ko. But that guy does'nt have any face or maybe he does pero hindi ko matandaan. Mamahalin ko daw sya ng lubos kahit bawal. I wonder why, ano ang mali kung mamahalin ko sya? Mamahalin ko sya at sa dulo ay kailangan kong magalit sa kanya. Or somehow ipakitang ayoko na sa kanya but deep inside, i do love him so much. Ang weird talaga ng panaginip kong iyon, madalas ko pa namang maranasan noong highschool ako na may mga panaginip akong nagkakatotoo. I grab my phone and wrote it on my notes. As clearly as i can remember, tapos nahiga na ko ulit. Nagising nalang ako ala sais na kaya naman nagmamadali akong bumangon para mag asikaso dahil papasok pa ako.

Wala ng almu-almusal, nang makapag ayos ako ay patakbo ko ng tinungo ang kanto namin para maka sakay. Sakto at may jeep na dumaan kaya agad ko itong pinara. Nakasakay ako ng 7:45, expectation of time arrival ko sa monumento ay 8:45 am, kung matrapik aabutan ako ng 9am. Basta maka abot ako sa mall bago mag 9:40 am ay safe ako mula sa pagiging late.

Halos murahin ko na sa utak ko ang jeepney driver na prenteng-prente lang, sarap sabihing Manong! Bayad ang araw ko! Baka gusto mong bilisan? Nagmamadali ako! Kaso di naman ako ganun kasama kahit inaabot na kami ng lima hanggang sampung minuto BAWAT KANTO na kanyang hinihintuan. Samantalang sa malinta, naroon ang mga pasaherong panigurado ay agad na pupuno sa jeep nya kaso mahina sa diskarte si manong, buwaya sya sa ibang jeep na kasunod nya. Hay! Forgive me lord for judging him. Male-late na kasi talaga ako!!

Tila dininig naman agad ang himutok ng utak ko at matapos ang halos kinse minutong pagparada nya doon ay umalis na kami. May mga iilang sumakay na kaya siguro umalis na sya.

Tama ako ng simpatya sa oras, mag e- 8:45 ng makarating ako sa balintawak para tumawid at sumakay ng bus sa kabila. Dito talaga ang pinaka pagsubok sa araw-araw na pag cocommute. Nawawala ang pagiging babae ng isang babae dahil makikipag sabayan ka sa mga bruskong manunulak at mananapak ng paa makasakay lang. Kaya madalas tuloy, mas Gentlewoman pa kami kesa makipagsabayan sa kanila. May kasunod namang bus kaya kami nalang nagpaparaya kahit pare-pareho lang naman kaming naghahabol ng oras at ayaw maipit sa trapik sa kahabaan ng edsa. Matapos ko palampasin ang tatlong bus na laging puno, dumating ang jeep na ang destinasyon ay sa mismong mall na pinapasukan ko. Kapag talaga naging mapagbigay at naghintay ka ng para sa iyo, mas okay. Dahil nakasakay ako agad sa jeep na di ko kailangan ipagsisiksikan ang sarili ko kung kaya pa ba o hindi na. #Hugot! In less than 15mins, nakarating ako sa mall. Tinakbo ko talaga umabot lang, so far 9:15 pa lang naman kaya minabuti ko nalang huminga muna dahil hingal na hingal ako.

Bigla akong napatigil nang mapansin ko na nakatingin sa akin mula sa gilid si rayeli. Na-concious ako bigla kaya umayos ako ng pwesto, epic.

Hindi mawala sa isip ko yung mukha nya kanina na halos pagtawanan na ako dahil sa eksena ko na pagod na pagod. Nang makapag in ay inatupag ko nalang mag linis sa area ko para naman hindi ako na s-space out.

Nang dumating ang closing shift, doon pa lang kami nakapag lunch ang opening.

"San tayo kakain?" Tanong ko sa kasama kong si ate mae.

"As usual. Sa baba lang, ikaw nel may baon ka?" Aniya nya sa stc namin.

"Ay syempre. Lagi naman akong nagbabaon. " sagot naman nya.

"Malapit na pala ma-endo si john no." Sabi ni ate mae.

"Sinong john?" Sabat ko.

"Sya yung stc sa closing. Yung dumating kanina. Hindi mo siguro namalayan" sagot naman ni Nel.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon