Beinte-Uno

28 0 0
                                    

-Jia-

Naglakad ako patungo sa lugar na pinaghihintayan sa akin ni kieffer, mabuti nalang at may text sya sa akin. pagdating ko ay may pagkain na sa lamesa, nakangiti pa nya akong sinalubong ng tingin.

"Kain na tayo ma'am, alam ko gutom ka na kasi gutomin ka eh. Kababae mong tao pero lagi kang gutom."

Biro nya sa akin, sadyang wala lang ako sa mood para matawa.


"Kief, salamat dito ha."

"Bakit naman?"

"Kasi, sinasamahan mo ako. Alam mo kung wala ka, baka nagmu-mukmok ako mag-isa, atleast sa presensya mo kunwari may ka-join force ako."

"Gusto ko lang naman kasi, makita kang masaya. Ayokong nakikitang malungkot ang mga kaibigan ko, at sa tingin ko ang silbi ko ay ang damayan ka."

"Naks, kaya hindi din kita pagsasawaang kasama eh. Kaya uunawain ko din yang topak ng asawa mo."

Natigilan sya sa sinabi ko saka napangiti ng bahagya, yung ngiting malungkot.

"Ako ba ang may pinagdadaanan dito o ikaw din? Kief, pwede mo naman i-share sakin. Tainga naman gagamitin ko sa pakikinig so kwento ka habang lalamon ako. Go"

"Nalulungkot lang kasi ako ma'am sa paulit-ulit naming sitwasyon na mag asawa. Magagalit sya kahit wala akong ginagawa tapos inaaway nya pa mga kaibigan ko. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako lulugar o kung sino dapat at hindi ko pinapakisamahan."

"Anong ibig mong sabihin?" Aniya ko matapos kong lunukin ang nasa bibig ko.

"Hindi naman kasi ikaw ang unang beses na inaway nya na kaibigan ko. Sa totoo lang, halos lahat. Kapag babae ang kasama ko, sasabihin nya na nilalandi daw ako o kaya baka babae ko na, kung lalaki naman bad influence daw. Mas gusto nya pa yatang mag-isa ako eh, yung walang kaibigan."

Kibit-balikat ang unang reaksyon ko.

"Di naman siguro ganoon, babae din kasi ako. Pero kung halimbawa, tulad natin na ganito, close nga hindi naman maiiwasan ang selos. Ang di ko lang ma-gets, bakit ayaw ka nyang bigyan ng mundo mo. I mean, mag asawa man kayo but still meron kayong dapat na oras para sa sariling kaligayahan nyo. Nakikita ko naman na mabuti kang ama at ginagawa mo ang lahat para maging mabuting asawa, so wala sayo ang mali, kulang sa pang-unawa yang asawa mo. Mabuti ka nga, sinasabi mo sa kanya ang mga nangyayari sayo samantalang yung iba...."

Napatigil ako mula sa pagpapayo, hindi ako makapaniwala na sa akin pa talaga nanggagaling ang mga salitang ito.

"Ewan ko ba, napapagod na talaga ako. Siguro kung di lang dahil sa anak namin, baka wala na kami noon pa."

"Kaso, may anak nga kayo. Baka naman kasi lagi mong kinukunsinte kaya akala nya, kaya ka nya lagi. Let her know that youre still the man, bigayan dapat kayo e, di yung ikaw lang ng ikaw. Haynako kieffer."



After namin kumain ay naglakad-lakad kami at tumambay. Hindi ko tuloy napigilang makwento ang napagusapan namin ni rayeli.

"Mabuti at di ka pumayag." Aniya

"Kung tutuusin, nate-tempt nga ako eh, imagine, he's like asking me to be his unofficial girl, grabe. Kung di siguro ako nag isip, baka um-oo na ako sa kanya. Hindi naman maitatanggi na may feelings pa ako sa tao, though mahirap kalimutan na pinabayaan nya ako. Kaso, ganoon naman sa love eh, kapag nagmahal ka, wala yang kapalit. Walang expectations, walang bilangan. Walang tama at mali, niri-risk lahat, di ba. Pero dapat kasi ngayon, pinipili kung sino ang dapat ipinaglalaban, kung dapat ba ipaglaban o mas mabuting isuko nalang. Wala kasi akong malugaran, alam mo yun? Mahal nya yun eh, matagal na sila nun e. Ako? Ha.ha.ha pinaglaruan nya lang eh, porke alam nya ang totoo."

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon