Diez

15 1 0
                                    

Author's note

So ang pagpublish ng update ay nakadipende kung may load ang wifi o wala haha pero nag a-update naman ako sa drafts, kaya pag publish na hindi ko na binabasa, so paumanhin nalang sa mga typo errors.


🌸🌸

-Jia-

Kahit bawal, nagiging pwede dahil lang sa ginusto nyo pareho.

Unti-unti kaming nagkakalapit lalo ni rayeli dahil sa bayad kong halik sa kanya. Nagiging biruan lang namin yun kahit pa naririnig ng karamihan. Ano bang malay nila sa utang na tinutukoy ko at sa bayad na sinasabi nya.

Si peter, unti-unti nang lumalayo sa akin. Mas okay iyon kaysa ipagpilitan nya pa na gusto nya ako kuno kahit halata ko naman na hindi. Dahil na din sa kaingayan nya tungkol sa pagkagusto nya sakin, nagsimula na tuloy kaming matahin. Hindi ko naman mai-depensa ang sarili ko dahil lantaran syang nagsasalita na 'gusto' nya ako which i find now very awkward.

"Rai!" Pasigaw kong tawag sa kanya nung coffee break. Magisa sya at  palabas ng mall.

"Jia? Di ba dayoff mo?.."

I smiled at him.

"Obviously, yes pero nandito ako kasi nag gagala ako. Ayaw mo?" Nagpatuloy ang paguusap namin habang naglalakad palabas.

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang. Boring kasi sa bahay, na-miss kita so yun, i came here"


"Di nga?" He ask, I nodd. 


"Sweet naman. Dapat nagstay ka nalang sa inyo, umuulan kaya oh."

"Ay, ayaw mo yata na nandito ako eh, sige aalis nako" akmang tatalikod nako, goodthing dahil hinawakan nya ko sa kamay.


"Hindi kita pinapaalis." Aniya tapos humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kamay namin magkahawak saka ngumiti..

"Ang--" natigilan sya saglit.

"Ang?"

"Ang sexy mo ah." I felt my cheeck heated up.


"Effortless yan, sorry" pagbibiro ko. Para hindi nya mapansin na kinilig ako.


"Kapag ganyan ka, gusto ko tuloy magpa-late"

"Baliw! Okay lang ako, opening ka naman. I can wait for you, i promise. Saka, umuulan pa pipila lang ako ng mahaba so instead na pumila, gagala nalang ako sa loob."

"Jia, pinuntahan mo kasi ako, gusto ko lang masulit mo yung pagpunta mo sakin. Mag undertime nalang kaya ako?"

"Hala sya, bakit?"

"Para makasama ka ng matagal."

Natigilan kami pareho dahil sunod-sunod ang pagtunog ng text message tone nya, halata ding ayaw nya itong basahin dahil sakin.

"I'm okay, basahin mo na.." I said and gave a weak smile.

Weak? Fake smile yan! Tss.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon