Dos-

57 0 0
                                    

-Jia-

Sina peter at rayeli ang una ko'ng naka close sa mga sales personel. Mahilig kasi silang mag banat ng korny na jokes, lalo na si peter. Samantalang si rayeli naman, tahimik lang. Ngi-ngiti lang at tamang sulsol lang sa pambibiro ni peter.

"Ma'am pa- serial po" aniya ng isang sales promoter ng isang brand ng aircon.

Mag isa lang ako dahil opening pa. Si rayeli, opening sya habang si peter ay mamaya pa sa closing sched. Lumapit ako doon sa area nila at tinignan ang number sa box at sa main unit kung match ito.

"Uy si Jia pala to" narining kong sabi ni rayeli.

"Bakit?" I answerd back. Matapos ko matatakan ang papel..

"Wala naman." Aniya sabay ngiti sa akin. I smiled back, kasi hindi naman ako ang tao na iisnabin ka kung pinapansin naman ako at mabait sa akin. Sa plastik sakin, wala nakong magagawa dun.

That one smile lead to another.

Habang lumilipas ang araw at natututunan ko nang mahalin ang trabaho ko, kasabay nito ang pagiging malapit sakin ng karamihan, at ang pag lalim ng feelings sa akin ng isang tao.

Unti unti ay nagiging obvious na sa akin ang mga bagay na ginagawa nya ay tila kakaiba na kumporme sa normal na magkaibigan.

Nagsimula na syang hintayin ako kada uwian, sabayan ako kapag sa sakayan at sagutin ang pamasahe ko.

Ini-invite nya na din akong kumain kami ng magkasama after shift, kaya i started asking him questions.

"Ano bang meron?" Bungad ko habang kumakain kami sa isang fastfood na paborito ko.

"Wala naman. Gusto ko lang kumain kasama ka, bakit bawal ba?"

"Hindi naman. Naitanong ko lang"

Go jia, itatanong mo lang sa kanya...

Side thought appears. Kaso, paano?

"Pwede ko ba hiramin cellphone mo?"
He spoke.

"Bakit?"

"Wala lang"

Inabot ko naman ito sa kanya habang naka bukas ang fb account ko. Clinose nya iyon saka nag scroll. Hindi ko makita ang ginagawa nya dahil naka minimize ang brightness ng phone ko.

"Okay na. Tara?"

Hindi ako nakakibo agad dahil mabilis syang tumayo, tangay ang gamit ko. Binitbit ko nalang ang softdrinks ko at fries na hindi ko pa tapos kainin. Naglakad kami palabas ng mall.

"Saan tayo?" Tanong ko

"Naghihintay satin sila dun"

Naguguluhan man ako, sumama na din ako. Buti nalang at ngayon ay pareho kaming opening, kaya naka kain pa kami. Paglabas namin sa mall, sinalubong kami ng iba pang mga sales promoter.

"Yun! Nice pete!" Sabi ni neil, isa sa mga tropa nya.

"Sabi na nga ba, may something sa inyo" dagdag pa ni Jay.

"Be, anong meron?" Tanong ko dun sa babaeng ka-area din nila pero di ko alam ang name.

"Hay nako be, wag ka na magtanong sumama ka nalang."

Dahil si peter may dala ng gamit ko, no choice ako kundi humabol.

Magkasabay kaming naglalakad ni peter nang bigla nyang tawagin yung isang babae na kinausap ko

"Nhoi!"

"Ow bakit?" Sagot naman nya, so nhoi ang pangalan nya.

"Nandun na ba sila?"

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon