Quatro-

43 0 0
                                    

-Jia-

Nauna na akong bumalik sa store dahil nag cr pa yung dalawa. Napangiti ako ng maabutan ko si rayeli sa locker room.

"Oh, break nyo na agad?" Bungad nya nang makapasok ako. Kinausap nya ako habang naka harap sya sa salamin.

"Oo eh, kasi maaga naglunch kaming opening kaya maaga din kami nakapag break, anong oras in mo?"

"Mga 7mins pa. Ikaw?"

I look back sa orasan namin..

"Mga 10 mins pa . "

Naupo ako sa upuan sa loob habang nag aayos ako at sya din, nag uusap kami mula sa repleksyon nya sa salamin.

Bahagya syang lumingon sa labas bago lumapit sakin at tinabihan ako sa upuan.

"Uy! Makita ka nila" aniya ko.

"Di yan. Wala namang tao" sagot nya habang nag aayos ng pulbo sa mukha.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsusuklay ko ng bigla nya kong lagyan ng pulbos sa pisngi.

"Luh!" I reacted

"Sus, parang pulbo lang e" sabi nya habang napapangiti.

"Kasi naman oh, ginawa mo kong pusa dahil dyan sa pulbos na pinahid mo sa mukha ko"

Humarap ako sa kanya para simangutan pero iba ang ginawa nya.

"Ayan, okay na. Sige una nako"

Biglang uminit ang pisngi ko kung kailan naka alis na sya at nakapag in. Hindi ako naka kibo agad.

Paano ko ba i-aabsorb ang ginawa nya?

Hindi kasi ako sanay na nagpapahawak basta ng mukha. What he did was beyond my nakasanayan .

Gosh! Kinikilig yata ako dahil lang inayos nya yung pulbos sa face ko!!! Oh em geeeeeee!!! 😣

Kasi kung ipa-flashback ko yung nangyari, halos malamas lang naman nya ang mukha ko sa malambing na paraan. Kaso ang nagpapabilis sa heartbeat ko ay yung pagiging malapit nya sakin in this so private place!

"Oh, anyare sayo bakit namumula ka?"

"Ha?"

"Tulala ka dyan tapos namumula pa"

Kung hindi nagsalita si ate mae, hindi siguro ako matatauhan.

"W-wala. Yung ano--um blush on siguro yan..."

Tumayo ako para mabuksan yung locker ko and i swear! Gusto kong ibaon sa loob ang mukha ko! This is what somehow i hated to myself, i am so transparent in everything. My emotions are easily seen on my face. 😐😑🙇 like those emojies.

Nagpabango nalang ako tapos konting lipstick then labas na. Konti na nga lang sasakto na ko, mabuti nalang at madali lang mag in. Magta-tap lang.

Sa opening, sobrang bilis ng oras. Yung pagpasok ko, after 45-50 mins uuwi na.

Hindi ko tuloy maiwasan ang pasulyapan ng tingin si rayeli. Napapaisip kasi ako eh, wala namang kakaiba sa ginawa nya pero para sakin kasi, ang sweet lang. Parang sa korean dramas na napapanuod ko, mga pasimple moves ng guy pero sobrang nakaka kilig! Hays Jia. Ayusin mo nga sarili mo, hindi nakakatuwa kung magtutuloy-tuloy yan.

Habang naka tulala ako, tulala sa harapan dahil wala naman ako magawa, biglang sumulpot si peter sa harapan ko at may sinasabi sya.

"Ano?"

"Ballpen. Sabi ko pahiram lang ako ng ballpen, tulala ka kasi" sagot nya

"Ah, sorry naman. Ibabalik mo ha" sagot ko not realizing na hawak na nya yung ballpen ko, naalis nya na pala sa pagkaka tali sa i d lace ko, sabagay, sa takip lang naman nakatali, kaya naalis nya ng di ko namamalayan.

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon