Dise-syete

17 0 0
                                    

Author's note
Please don't judge jia for doing that. Put yourself in her shoe, mahal nya yung tao that's why. Everyone makes a mistake, and i am targetting a "reality". At wala naman sana umaway sakin hehe. ✌✌

-Jia-

Sa palabas, kapag naka chuchuhan na ang dalawang taong may mutual feelings, automatikong nagiging sila. Kaso sa amin ni rai, hindi magiging ganun.
Hindi ko alam kung paano ko tataguan si lola dahil ala seis na'ko ng umaga dumating sa bahay, sinakto ko talaga na nakatalikod sya saka tumakbo sa kwarto ko.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili...

Ang landi ko. Ang landi landi ko..

Tears flow after.

Hindi ko na pinigilan ang umiyak, mali eh mali ako ng lalaking minahal. Mali ako dahil hinayaan ko pa, mali ako dahil mali. Basta mali..

Mas pinili ko nalang ang umiyak ng umiyak imbes na matulog.

Alas dose na ng magising ako, bakas sa unan ko ang pinagluhaan ko at halos di naman ako makamulat dahil sa mga luhang natuyo. I get up, i only have less than an hour to prepare, naligo ako pagkatapos ay nagbihis saka umalis. Hindi ko na nga pinansin si lola na nagagalit dahil di daw ako kumain.. I don't have an apetite either.

Rai's not there when i entered the store. Absent daw ito, according to jay.

I felt relieve dahil wala sya, una hindi ko alam kung paano sya haharapin, at hindi ko alam kung paano pa sya malalapitan, nagui-guilty talaga ako.

Natapos ang isang buong araw ko na normal lang, like the usuall i mean. Dahil wala si rayeli, walang sparks or hindi ko nga sure kung kikiligin pa ako. Peter on the other side, ay naka distansya na sa akin hindi na sya nagparamdam, hindi na nya ko kinakausap hanggang sa malaman ko nalang last day na pala nya ngayon.

I felt bad dahil naging mabait sya sa akin pero wala akong ibang pinakita kundi kasungitan. Naging mabait naman ako sa kanya, somehow., mas madalas nga lang akong sarcastic, and now yung di nya pamamansin sa akin, everyone noticed it.

Nagpaparinig sya, na last daw na nya at meron syang mamimiss. I know its me, sya naman talaga ang vocal sa feelings, hindi lang talaga nagwork out dahil mas napansin ko si rayeli.

Mas mahirap din kasi for the fact na may anak sya, hiwalay man sa asawa, hindi ko pa din maimagine.

Pero yung kay rayeli, hindi ko naisip.

Nung bago mag uwian ay kinantahan sya ng farewell. Kinakanta yun everytime na may nag e-end of contract.

Gustuhin ko man na kausapin sya, hindi ko na ginawa. Sya naman ang nagumpisa na mang dedma kaya hinayaan ko nalang.

"Hindi mo talaga kinausap jia?" Aniya ni princess habang pababa kami ng escalator.

"Hindi na, hindi na kailangan. Bakit?"

"Nakausap ko kasi sya, nag eexpect sya na kakausapin mo. Realtalk jia, close kasi kayo noon di ba, tapos ganito."

Napasimangot ako..

"May kasalanan sya sakin the last time na nagkasabay kami, he doesn't even apologize for that kaya bakit di ba?."

Hindi na sya sumagot, wala naman kasi syang alam para panghimasukan kung bakit di ko kinausap si peter.

Bigla ko lang naalala yung sinabi sa akin ni rai last last time habang magkasama kami, peter talked to him. Dahil nga sa pagiging close namin ay kinausap daw sya ng harapan. Rai said that peter was jealous, hindi din naman maitatanggi ang pagka kaibigan ng dalawa kaya medyo naka-apekto daw ang pagdating ko sa samahan nila. Rai also admitted to me, noong sinabi nya sakin ang pinag usapan nila na hindi nya na lang sinabi kay peter na gusto nya din ako. So rai said that were just friends to save their so called friendship too. Pero hindi naman kasi si peter gumagawa ng ways noon at effort na consistent kahit pa sinabi nyang nanliligaw sya. He would always make me feel in between. May gagawin sya na makakapag-special sakin then kinabukasan at sa mga sunod na araw, wala na. Tapos nangyari yung nakita ko sya with his ex wife, kaya its normal for me to think na baka pinag lalaruan nya ako. Rai said to me na sinabi sa kanya ni peter na hindi nya ako kakausapin hanggang sa last day nya. Nakakainis, kasi ako pa yung nagmukhang may ginawang masama sa kanya imbes na magsorry sya sa mga atraso nya sa akin. Kaya hindi ko din sya kakausapin..

I Hate You--I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon