Greece’s POV
“Bakit hindi mo yata kasama ang asawa mo Greece?”
Nginitian ko lang si Angel, kapit-bahay namin siya at every Sunday ay sabay kaming nagsisimba… Tulad na lang ngayon, tapos na ang misa at naglalakad na kami pauwi
“Nang-aasar ka?”- tugon ko lang at binuntutan pa yun ng tawa
Alam niya ang sitwasyon naming mag-asawa kaya sigurado akong nagbibiro siya.
Umiling lang siya… “Ewan ko ba sayo Greece, lumalaki na si Toto kaya dapat pinipikot mo na ulit si Rome para ma-inlove na talaga sayo!”
“Hoy hindi ko sabi siya pinikot! Parehas lang kaming napikot! Hay naku Angel tama na ito, kasisimba lang po natin!”
“At least ikaw in-love sa kanya! Kunsabagay ang gwapo nga naman talaga ng asawa mo at lakas manghatak ng babae kahit suplado! Unang tingin pa lang naman sa kanya halata nang mailap makuha ang puso!”
Natawa ko sa kanya… “Ganun?! Hahahha! Gutom lang yan, sige dito na ko… wag mong pagnasaan ang asawa ko utang na loob, sige ka hindi na kita bibigyan ng cupcake!”
Humalakhak lang ito at kumaway sakin…. Luka talaga ang isang yon! Tsktsk…
Pagpasok ko ng bahay ay narinig ko agad ang tunog ng isang gitara… Aba mukhang good mood si Rome ah!
Super hobby niya ang pagtugtog ng gitara… gitarista pa nga yan ng isang banda dati nung college days niya! Hindi naman sila yung tipong sobrang sikat pero may mga gig din sila nun sa labas ng university, tulad sa bar at pag may mga major concerts, ganun! Napakwento na lang din ako, sige itutuloy ko na. LOL
Kahit kinakapatid ko siya at close ang mga magulang namin ay never kaming nag-aral sa iisang school ni Rome kaya madalas ay nagkikita lang kami pag may gatherings. HINDI din kami close, sa totoo lang. Mas matanda siya ng tatlong taon sakin (24 years old na ako ngayon, siya 27) at tinawag ko pa nga siyang Kuya Rome noon kaso nagalit siya, LOL! Chickboy na talaga yan high school pa lang at medyo mas tumindi yun nung college. Graduate siya ng Business Ad. Entrepreneurial Management ang major at nag-masteral din siya dun sa BlueRedGreen University tapos ako naman ay HRM ang tinapos sa Sta. Lucia University. Tuwing---
“Meow!”
O__O
“ROOOOME!”
Nagulantang yung pusa sa sigaw ko kaya agad itong dumaan sa nakabukas na bintana para lumabas…
Sinara ko agad ang bintana at binalik ang tingin sa lamesa kung saan ay tinik na lang ang natira sa pritong tilapia na niluto ko kanina… What the???!! Diyos ko, kasisimba ko lang po pero… HAKJAJIUHDUDH!!
“What?!”
Lumingon ako kay Rome na kunot ang noo at nakahalukipkip pang nakatingin sa akin… Nakaputing sando lang siya at pambahay na shorts
Tinuro ko ang kalat na gawa ng pusa…
“Na naman Rome?! Tuwing linggo na lang nakakalibre ng pagkain ang pusang kalye dito sa bahay! Diba sabi ko sayo na kung nalilimutan mong isara ang bintana pagtapos mong kumain, takpan mo man lang ang tirang pagkain! Napakahirap ba nun?! Sayang ang pagkain Rome! Wala kang katulong, assistant o secretary dito na nakabuntot sayo para linisin ang kalat mo o kung anupaman! Ano ba naman!”
“Nabusog ang pusa kaya hindi sayang ang pagkain. Naririndi na ko pakinggan yang litanya mo Greece at uulitin ko for the nth time… Kung ayaw mong nagbubukas pa ko ng bintana tuwing kumakain, pumayag ka ng ipa aircon ang buong bahay then problem solved! And please let me rest and relax during my day-off so stop this non-sense argument and just leave me alone”
BINABASA MO ANG
Rome and Greece
RomanceSi Roman Salcedo ay kinakapatid ni Greece Vasquez. Isang gabi, nagkalasingan at naset-up sila ng kanilang magkumpareng mga tatay at BOOM! May nangyari sa kanilang dalawa at nagbunga ito kaya't napaaga ang paglabas ni Roman Salcedo Jr. sa mundo. At n...