Greece’s POV
Alas otso pa lang ay nakarating na ko sa bahay ng mga biyenan ko. Mukhang gising na ang lahat ng tao dahil busy na ang mga kasambahay sa kanilang mga trabaho.
“MOMMYYY!”
Agad na nagmano sa akin si Toto at niyakap ako... Hinalikan ko siya sa pisngi at hinila na papasok sa loob...
“Bakit ang aga mo naman yatang magbihis, Anak? Kumain na ba kayo?”
Mukha kasing ready na talagang umuwi sa bahay itong anak ko at ang bango niya dahil bagong paligo.
“Tapos na po My! Pumasok na po sa office sila Lolo eh, may meeting daw sila”- paliwanag naman niya
Naabutan naming bumababa si Rome sa hagdan at bihis na din dala ang isang bag... Bagong ligo din siya.
“Mabuti naman at dumating ka na... Let’s go home.”
Ayun lang at hindi pa man ako nagtatagal dito ay umalis na kami para umuwi... Mukha kasing nagmamadali si Rome.
“Rome may meeting ka din ba ngayong araw kaya nagmamadali kang umuwi sa bahay?”- tanong ko. Siguro magbibihis lang sya sa bahay tsaka pupunta sa opisina kahit Linggo.
“Nope. Nasa labas ng bahay natin sina P at Nick..”
“Talaga Daddy?!”- sabat ni Toto
Tumango lang si Rome at binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse namin... Parang kahapon lang eh nagkita sila ni Prances, tapos ngayon ulit? Jeez!
Natanaw ko na ang kotse ni Nick na nakaparada sa tapat ng gate namin... Hayun at naglalampungan ang dalawa sa may tabing kalsada. Napatingin ako kay Rome, wala siyang reaksyon hanggang sa maiparada niya ang kotse namin sa likod ng kotse ni Nick.
Nag bless naman agad si Rom sa dalawa at hinila na agad sila papasok ng gate namin... Natawa sila sa pagkabibo ng bata.
“Hay kaya gusto ko ng magkaroon ng anak Babe eh!”- natatawa pang sabi ni Nick
Kinurot lang siya ni Prances sa tagiliran at kinidatan... “Soon..”
Ngumiti naman nang malaki si Nick at nilingon kami...
“Hey! Pasensya na at linggong lingo eh, nang iistorbo kami! Si Prances kasi, ang kulit!”
“It’s okay. Tara na sa loob...”- nauna nang pumasok sa loob si Rome at magkasabay na kaming sumunod ni Nick sa kanya
Nagkukulitan pa din sina Prances at Rom habang binubuksan ni Rome ang pinto ng bahay namin... Bakit kaya sila nandito?
“Toto magbihis ka muna sa taas... Maupo muna kayo dyan at ikukuha ko kayo ng pagkain..”- tugon ko sa aming mga bisita at binuksan ko muna ang TV bago dumiretso sa kusina.. Si Rome naman ay sumama kay Rom sa taas.
Nilabas ko ang cake sa ref at nagtimpla na din ng juice saka ako bumalik sa sala...
“Kain muna kayo... Toto wag kang kumandong kay Tito Nick, big boy ka na!”
“Sorry po Mommy..”- tinabihan na lang niya si Nick at nagpatuloy sa paglalaro sa tablet niya.
“Ang KJ mo talaga kahit kelan Greece.. . Buti di namana sayo ni Toto..”- asar ni Nick
Inirapan ko lang siya at ikinuha si Toto ng cake... Ibibigay ko na sana iyon sa anak ko ng bigla yung kinuha ni Rome at direstong kumain.
“Ikaw ba ang nagbake nito Greece? Ang saraaap!”- komento ni Prances
“Mommy, pahingi po ako ng cake...”
Nakangiti kong tinanguan si Prances at binigyan ng cake si Toto
BINABASA MO ANG
Rome and Greece
RomanceSi Roman Salcedo ay kinakapatid ni Greece Vasquez. Isang gabi, nagkalasingan at naset-up sila ng kanilang magkumpareng mga tatay at BOOM! May nangyari sa kanilang dalawa at nagbunga ito kaya't napaaga ang paglabas ni Roman Salcedo Jr. sa mundo. At n...