Greece’s POV
Sabado
“Oh Rome, bakit nandito ka? May nakalimutan ka ba?”
Paalis na kami ni Toto papunta sa Francine’s Boutique kung saan sila magsusukat ng damit para sa kasal nang biglang sumulpot ang asawa ko... Dala niya ang kotse niya at mukhang hindi kasama ang driver niya.
“Wala.. Sasamahan ko kayo sa boutique..”- sagot niya saka pinapasok si Toto sa kotse
Nagtataka na lang akong sumakay na din sa passenger seat at agad naman kaming umalis.
“Nag lunch na ba kayo?”- basag ni Rome sa katahimikan
“Hindi pa... Nagtext kasi si Nick sakin... Sabay sabay na daw kaming kumain kasama yung ibang mga abay after nilang magpasukat ng damit... Ikaw kumain ka na ba?”
Umiling lang siya kaya hindi na ko sumagot... Tahimik namang naglalaro sa tablet nya si Toto sa likod.
Pagkadating namin sa boutique ay marami na ding tao doon kasama na yung dalawang ikakasal... Agad nila kaming binati... Pati yata mga ninong at ninang sa kasal ay nandito at susukatan din.
“Sumama ka din pala Rome! Pahiram muna sa anak ninyo ha para masukatan na siya... Pipili lang muna kami ng design ng damit nila.. Maupo muna kayo dyan!”- sabi ni Prances at hinila na si Toto papunta sa isa sa mga nagsusukat doon. Maging si Nick ay busy din.
Maluwag ang boutique na ito kaya’t nagtingin tingin na lang ako ng mga wedding gowns na naka display. Magaganda lahat.
“You like that?”
Napalingon ako bigla. Nakasunod pala sakin si Rome. Binalikan ko ng tingin ang simple ngunit eleganteng wedding gown na nakasuot sa isang mannequin.
“Ito ang pinaka maganda sa lahat ng naka display dito para sakin...”
Halos mapatalon ako nang bigla niyang hinapit ang bewang ko at pumantay sa pwesto ko... Nakatitig din siya sa gown.
“Yeah... Simple yet beautiful...”
Tumingin siya sakin at pakiramdam ko nag blush ako kaya umiwas ako ng tingin sa kanya... Ahh ano ba naman to! Nasulyapan ko sina Nick at Prances na nakatingin sa amin... Ngumisi sila sakin, ilang na ngiti lang ang sinagot ko.
“Tapos na yatang sukatan si Toto...”- Rome at niyakag na ko palapit sa anak namin... Hawak niya pa rin ang bewang ko.
Napatingin din si Rom sa kamay ng Daddy niya sa bewang ko kaya lalo akong nailang. Siguro ginagawa ito ni Rome dahil na din sa request ni Toto pati para di mahalatang nasasaktan siya dahil kay Prances. Hay!
“Nice Daddy! Sabi po ni Tito Nick, sa Gerry’s Grill daw po tayo kakain...”- imporma sa amin ni Toto
Tumango lang kami sa kanya tsaka siya humawak sa kabilang kamay ni Rome.
“People, convoy na lang tayo! Yung walang kotse sumabay na sa amin!”- anunsyo ni Nick kaya’t lumabas na kami ng boutique.
Talagang may sumpong si Rome ngayon dahil ipinagbukas pa niya ko ng pinto ng kotse...
“Mag usap tayo mamaya pag uwi..”- sabi ko sa kanya bago ako pumasok sa kotse
Sumagot naman siya pagkaupo niya sa driver seat.
“Sure, Dear.”
May sumpong talaga siya. Tsk tsk!
-------
Maingay ang lahat habang nagkakainan kami ng lunch... Nandun din pala si Ian, yung kabanda nila Rome at Prances kaya’t nasa kabilang table si Rome para makipagkwentuhan sa kanila.
BINABASA MO ANG
Rome and Greece
RomanceSi Roman Salcedo ay kinakapatid ni Greece Vasquez. Isang gabi, nagkalasingan at naset-up sila ng kanilang magkumpareng mga tatay at BOOM! May nangyari sa kanilang dalawa at nagbunga ito kaya't napaaga ang paglabas ni Roman Salcedo Jr. sa mundo. At n...