Greece’s POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakaraos na din kami ni Toto sa kanyang periodical exam, ang sabi ng teacher niya sa akin ay kayang kaya na ma-maintain ng anak ko ang pagiging top 2 sa klase dahil maganda naman ang resulta ng exam niya. Baka daw maging top 1 pa siya ngayong grading, malalaman na lang daw namin next year, pagbalik nila sa school.
Kaya eto ngayon, dahil sembreak ay medyo makalat din ang sala namin bukod dito sa kusina dahil marami raming order ngayon ng cupcakes. Mabuti nga at na conceptualize na namin ni Prances ang deisgn at flavor nung wedding cake niya pati na din ng cupcakes para sa mga bisita last week.
Sa kabila ng malakas na volume ng TV ay narinig kong nag ring ang telepono namin... Sumigaw naman si Toto...
“MOMMY! MAY TUMATAWAG PO!”
“I KNOW! PAKISAGOT MUNA SAGLIT ANAK!”
Binilisan ko na ang paglalagay ng mga cupcakes sa bawat boxes at inayos na din ang pag package sa mga ito. Natapos din!
“Mommy kakausapin daw po kayo ni Lola Gracia!”- sambit ni Toto na nakadungaw sakin
Bakit kaya napatawag si Mommy?
Sumunod ako kay Toto at kinuha ang telepono...
“Hello? Mommy, bakit po?”
“Greece! Diba sembreak na ni Toto? Pahiram naman muna sa kanya kahit 3 days lang... Gusto naming makabonding siya ng Daddy mo...”
“Ah sige po, walang problema Mommy. Ihahatid ko na lang siya sa Thursday dyan... may pupuntahan kaming kasal sa Sunday kaya kailangan po mahatid ninyo na siya ulit dito sa Sabado...”
“Ay naku! Kahit sunduin ko na siya ngayon anak para makapamasyal kaming tatlo kasama ang Daddy mo bukas..”
Napakunot ang noo ko... Lunes pa lang kasi ngayon at alam kong busy din ang mga tao sa kompanya dahil December.
“Ihahatid ko na lang po siya diyan mamayang hapon Mommy.... Mamaya na tayo magkwentuhan, magdedeliver pa po ako ng cupcakes...”
“Sige anak... Dito na kayo mag dinner ha! Ingat kayo...”
Binaba ko na ang telepono at tumingin sa orasan... Alas dose na pala! Mabilis akong bumalik sa kusina at nagligpit ng kalat tapos ay nagluto ng ulam namin ni Toto... Mabuti na lang at nakapagsaing na ako.
“Toto kakain naaaa!”- tawag ko sa kanya... Agad naman siyang lumapit at maganang kumain
“Nak ihahatid kita mamaya sa mga Lola Gracia mo ha... Papasyal daw kayo ni Lolo mo...”
Napatingin siya sakin at magsasalita sana kahit puno ng pagkain ang bibig niya pero inunahan ko na siya...
“Rom lunukin mo muna yan...diba bawal magsalita pag may laman ang bibig?”
Tumango naman siya at uminom ng tubig saka lumunok
“Ilang araw po ako dun Mommy?”- excited na sabi niya... Spoiled kasi siya sa mga lolo’t lola niya, both sides pa kaya tuwang tuwa siya pag hinihiram siya ng mga ito... Palibahasa ay una at nag-iisang apo.
“Tatlo... Sa huwebes ay susunduin kita... Wag kang makulit don ha? At wag kang pabili ng pabili ng kung ano ano sa kanila... Intindi?”
“Yes po! Hmmm Myy ayaw mo po sumama? Mag isa ka lang dito eh... Gabi pa uwi ni Daddy..”
Napangiti ako at ginulo ang buhok niya...
“Nakuuu ang baby ko talaga! Big boy na daw ha? Suuuus! Hindi na... Magtatampo sila Lola mo dahil sakin ka naman didikit pag sumama ako...”
BINABASA MO ANG
Rome and Greece
RomanceSi Roman Salcedo ay kinakapatid ni Greece Vasquez. Isang gabi, nagkalasingan at naset-up sila ng kanilang magkumpareng mga tatay at BOOM! May nangyari sa kanilang dalawa at nagbunga ito kaya't napaaga ang paglabas ni Roman Salcedo Jr. sa mundo. At n...