Chapter 4

102 1 0
                                    

Greece’s POV

“Nick seryoso ka talaga dito? Baka naman magkagulo pa kayo nung soon-to-be-fiancée mo dahil samin..”

Ngumiti lang siya habang nagmamaneho… Papunta kami ngayon sa office ni Rome, magpapaalam ako na pupunta kami ni Toto sa isang resort kasama si Nick (sila nung girlfriend niya na i-susurprise daw “namin”)... 2 days daw kami ni Toto dun

“Mommy isasama din natin si Daddy?”- excited na tanong ni Toto nung huminto na tong kotse sa tapat ng building kung saan nag-oopisina si Rome

“No anak… Magpapaalam lang tayo… Tulungan mo kami ni Tito Nick na kumbinsihin siya, okay?”

Tumango lang siya at natawa lang si Nick at ewan-ko-kung-sinadya-niya pero saglit na dumampi ang kamay niya sa kamay ko...

“Ang lamig ng kamay mo! Wag kang ma-tense dyan Greece… Baka mahawa ako! Ang seryoso pa naman masyado ng asawa mo…”- sabi niya at tumawa pa talaga siya ha?

Kung si Rome ay talagang serious type… Eto namang si Nick, naturingang doctor eh napakababaw! Lalo na ng kaligayahan! Tskstsk

“Goodluck na lang sa soon-to-be-fiancée mo pag sinumpong ka ng kababawan mo Doc!”- kantiyaw ko sa kanya… Pampawala na din ng kaba… Nasa elevator na kaming tatlo… Waaaa!

“Hoy charm ko kaya yun! Isa yun sa reasons kung bakit nainlove siya sakin noh…”- mayabang na sagot nito

“Oo na lang…”

Nag belat lang siya sakin at nauna nang lumabas sa elevator… Ganda ng mood eh palibhasa makikita ang girlfriend! Tignan natin kung makaganyan ka pa pag sumapit na ang araw ng wedding proposal mo sa kanya which is BUKAS! Wahaha!

“Mommy sana lagi kang ganyan… Lalo kang gumaganda..”

Napatingin ako kay Toto… WHAT THE?! OH PLEASE WAG NAMAN SANANG MAGMANA SA PAGKACHICKBOY NI ROME ANG ANAK KO! MARUNONG NA SIYANG MAMBOLA NGAYON! SHUCKS!

“Ang laki po ng smile mo eh tapos lagi ka din tumatawa.. Sana ganyan din po kayo ni Daddy…”

Nawala yung ngiti ko sa sinabi ni Toto.. Alam ko naman sa sarili kong stiff talaga ko pag nandyan si Rome, I felt my old or maybe my real self again nung nagkita at nagkakasama ulit kami ni Nick…

*sigh….

“Bakit kasama mo tong anak ko?”

Napapitlag ako sa boses na yun.. Whoa eto naaa! Tumakbo ako palapit kay Nick at ayun buhat na ni Rome si Toto at kunot noong nakatingin kay Nick…

“Uhmm ano Rome… Dun na lang tayo sa office mo mag-usap.. Tara!”- yun lang at nauna na kong pumasok sa mismong opisina ni Rome, nagdasal pa ko na sana ay wala siyang iniwang kalandiang babae dito at BUTI NAMAN AT DININIG! Haaay!

“Toto pakibigay naman to sa Grandpa mo… Alam mo na kung saan ang office niya diba?”- sabi agad ni Rome saka inabot ang isang folder kay Toto… Tumango naman yung bata at lumabas na sa office… WHOAAA NOOO!

Bakit mo kami iniwan dito Rom?! Nagpalipat lipat ang tingin ni Rome sa aming dalawa ni Nick… WHOA NAKAKATAKOT SERYOSO!

“A-ah ano susundan ko lang si Toto… baka maligaw pa yun… Hehe sige…”- tatalikod na sana ko nang hawakan ni Nick ang braso ko para pigilan ako… Napatingin ako sa kanya at nagpapahiwatig lang siyang tumingin sakin… Kabado din siya.. Hays grabe ka talaga Rome!

Humarap ulit ako kay Rome at kunot noo lang siyang nakatingin sa braso ko… na hawak pa din ni Nick… Automatic akong pumiglas at lumapit kay Rome na nakaupo sa swivel chair sa likod ng desk niya… Umupo ako sa kandungan niya… Napasandal siya sa upuan at gulat na tumingin sakin…. Ngumiti lang ako nang matamis sa kanya at saglit na sinamaan ng tingin si Nick na nagpipigil tumawa… Argh!

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon