Greece’s POV
Maaga kaming umuwi ni Rome kinabukasan. Hindi na din nagpahatid sila Mommy sa airport kaya nakauwi kami agad sa bahay namin. Sa labas na kami nag breakfast kaya nasimulan ko na agad ang paggawa ng cupcakes. Fifteen boxes ang kailangan kong magawa para sa limang customers ko ngayong araw.
Narinig ko ang kantang Just Once kaya sinilip ko saglit si Rome sa sala... Busy pa din siya sa harap ng laptop pero nakabukas ang radio. Hindi pa din niya ako pinapansin.
I sighed at bumalik na lang sa ginagawa ko.
============
“Hindi ka pa nagluluto?”
Nag angat ako ng tingin at hayun ang asawa ko at nakahalukipkip na nakatingin sakin habang nakasandal sa may ref.
Tumingin ako sa wall clock at 11:30 na. Umiling ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalagay ng mga cupcakes sa mga boxes.
“Gumayak ka na lang muna. Fiesta ngayon sa St. Dominic, inimbitahan ako nung isang customer ko ngayon na maglunch dun..”
Naglakad siya palapit at tumabi sa akin. Nakiusyoso siya sa ginagawa ko at nakita niyang madami pang kailangang lagyan na box kaya tumulong na din siya.
Tiningnan ko kung maayos ang paglalagay niya at aba! Parang mas maganda pa ang packaging nung box na nilagyan niya ha!
“Pag nagkaroon na ako ng store, kukunin kitang taga pack ha...”- biro ko sa kanya
Tinaasan niya ko ng kilay... “What type of store? Bakeshop or coffee shop?”
“Hindi ko pa alam pero mukhang maganda ang coffee shop...”
Tumango tango siya.
“I’m glad that you have plans of putting up a business now... I will help you with it..”
Napangiti ako at pabiro siyang siniko. Natigilan naman siya bigla.
“Sure! Basta ba financer kita eh!”
He chuckled.., “Of course! But I will also guide you along the way... CEO tong asawa mo..”
“Naks! Aasahan ko yan, Rome ha!”
Lumingon siya sakin at nakangiting tumango. Napatitig ako sa kanya dahil bihira lang ang mga ganitong pagkakataon.
Tinapik niya nang bahagya ang pisngi ko.
“Move, Greece. Baka malate pa tayo sa pagdeliver ng mga to...”
Tumango lang ako at tinapos na ang ginagawa namin.
=====================
Gamit namin ang kotse ni Rome sa pagdedeliver ng cupcakes. Tahimik lang kami sa byahe pero komportable naman.
Papunta na kami ngayon sa St. Dominic, sa huling customer ko. Ala unang mahigit na kaya sigurado akong mapapasabak kami sa kainan dahil medyo late na ang lunch namin.
Sa isang covered court pa kami nakapag park dahil maraming tao at mga kotse din sa kalsada mismo. Bitbit ni Rome ang mga boxes kaya kumapit na lang ako sa braso niya habang naglalakad kami papunta mismo sa bahay ni Alice, yung customer ko.
Pagdating namin doon ay may mga nag iinuman at nagkakainang mga bisita. Dumiretso kami sa kusina at nandun nga si Alice.
“Greece! Oh ayan na ang kanina ninyo pa hinihintay mga bata!”- Alice
Nag yehey naman yung mga bata na nandun din. Natawa ako, namiss ko tuloy si Rom! Nilapag ni Rome yung bitbit niya sa lamesa at agad na pinagkaguluhan iyon ng mga bata.
BINABASA MO ANG
Rome and Greece
RomanceSi Roman Salcedo ay kinakapatid ni Greece Vasquez. Isang gabi, nagkalasingan at naset-up sila ng kanilang magkumpareng mga tatay at BOOM! May nangyari sa kanilang dalawa at nagbunga ito kaya't napaaga ang paglabas ni Roman Salcedo Jr. sa mundo. At n...