Chapter 7

64 0 4
                                    

Greece’s POV

“Jabi o McDo?”- tanong ko kay Toto habang naglalakad sa tapat ng hilera ng mga kainan dito sa isang mall malapit sa kanilang school.

Friday na naman kaya ihahatid ko siya mamaya kina Ninang at dito na kami magmi merienda dahil dobleng pamasahe pa kung dadaan kami sa bahay.

Marunong na kong mag drive pero takot pa din ako kaya sa mga kailangang kailangan na sitwasyon ko lang ginagawa yun.

“Jabi na lang po!”- sagot niya kaya agad kaming pumasok doon... As usual, maraming taong kumakain.

“Pipila na ako dito... Maghanap ka na ng table natin ha baka maubusan tayo...”- utos ko kay Toto at agad naman siyang sumunod...

Kumpleto na agad ang order kong pagkain kaya hinanap ko na ang table na nireserve ni Toto para samin... Nakuu sa kaloob looban pa yata siya pumwesto!

“Mommy, dito!”

Ayun! Lumingon ako sa kanya at nagulat akong may kasama pala siya sa table. Kumakain pala sila sa ganitong lugar?

Lumapit ako agad at nilapag yung tray kung saan nakalagay yung pagkain namin. Sinulyapan ko ang dalawang plato na may laman pang kaunting spaghetti at umupo sa isang bakanteng upuan.

“Daddy, Tita Ces, kain po kayo ulit!”- yaya sa kanila ni Toto

“Don’t mind us Rom, we’re full already kaya ubusin mo lahat yan okay?”- sagot naman ni Prances

Masayang tumango lang si Toto at kumain na ulit.

“Ang bibo talaga ng anak ninyo, nakakatuwa!”- nakangiting sabi ni Prances sa akin... Magkatabi sila ni Rome na katapat namin ni Toto

 Tumango lang ako at ngumiti saka kumain na din... Nag uusap lang ang dalawa at kitang kita ko ang kislap sa mga mata ni Rome tuwing magtatawanan sila... Narinig kong “they are catching up” daw kaya sila magkasama ngayon. Panaka naka ding sumisingit sa kanila si Toto kaya sinaway ko siya

“Toto, diba bad ang sumabat at sumingit sa usapan ng matatanda?”

“Hayaan mo na Greece! Nakakatuwa nga at halatang matalino iyang anak ninyo! Manang mana kay Rome!”- sagot naman ni Prances

Nanahimik na lang ako at pinakinggan silang mag-usap.. Grabe! Malamang aakalain ng mga taong silang tatlo talaga ang pamilya at ako ay tagapag alaga lang kay Toto. Nakakainis!

Maya maya pa ay biglang may tumawag sa phone ko kaya nag excuse muna ako sa kanila.

“Hello Angel?”

“Greece! Nasaan ka? Dito ako sa may event center ng mall! Pumunta ka at ang daming desserts dito, free taste lahat!”

“Talaga?! Sakto, nandito din kami ni Toto... Wait hintayin mo ako ha!”

“Sure! Bilisan mo at baka maubusan ka na! Sayang naman”

“Okay! Thanks, bye!”

Bumalik ako sa table namin, ubos na ang pagkain ni Toto kaya kalong na siya ngayon ni Rome at masaya pa din silang nag-uusap na tatlo.

Asa ka pa Rome... Ako ang nanay ni Toto, hindi yang babaeng mahal mo! Tss!

“Uhm excuse me pero kailangan na namin umalis ni Toto, may dadaanan pa kasi kami..”

“Go ahead Greece. Ako na ang bahalang maghatid kay Toto mamaya sa bahay nila Mommy”- taboy sakin ni Rome

“San tayo punta, Mommy?”- Toto na halatang ayaw umalis

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon