Chapter 14

244 4 2
                                    

Greece's POV

Nagmamadali akong bumaba ng kotse dahil nagtext si Mommy na nasa airport na sila. Tinanghali kasi ako ng gising!

"Mommy!"-agad na salubong ni Toto kaya't binuhat ko agad siya at pinaghahalikan sa mukha.

"Ang itim ng baby ko!"

Buhat ko siya papuntang parking lot samantalang nakasunod lang sakin sina Mommy at Daddy dala ang mga bagahe.

"Where's Rome?"- tanong agad ni Daddy nung nakitang kotse ko ang sasakyan namin pauwi at ako ang magmamaneho.

Of course I can't tell him that I was not home for two days!

"Nasa bahay po Dad, sa bahay na po kayo mag lunch at nagpadeliver daw siya ng pagkain..."- sagot ko saka isinakay si Toto sa passenger seat.

Well, totoo naman iyon. Nagtext siya sa akin kanina na ako na lang ag sumundo sa kanila at siya na ang bahala sa lunch namin.

Sumakay na din sa backseat ang parents ko matapos isakay ang kanilang mga bagahe sa trunk.

Sa byahe ay nakatulog agad si Toto habang maya't maya ay may kausap sa phone si Daddy. Si Mommy naman ay nakasandal pa sa balikat ni Daddy at tulog din.

I sighed. Mabuti na lang at mukhang pagod sila kundi ay malamang nabuking na ang away namin ni Rome.

After 1 hour ay nakauwi na kami sa wakas. Tulog na tulog pa din si Toto kaya binuhat ko na lang siya at iniakyat sa kwarto niya.

Pagbaba ko ay nakaupo na sa dining table ang parents ko pati si Rome. Nakahanda na din ang pagkain sa lamesa.

Tumabi na lang ako kay Rome at nagsimulang kumain. Sila lang ni Daddy ang nag-uusap tungkol sa negosyo at mabuti na lang at mukhang pagod pa din si Mommy dahil tahimik lang siyang kumakain.

Nagyaya na agad na umuwi sa mansiyon si Mommy matapos kumain at hinatid naman sila agad ni Rome gamit ang kotse ko since nandun ang mga bagahe nila.

Nang makaalis sila ay nakahinga ako ng maluwag. Ang awkward talaga kasi kanina.

Nagligpit na lang ako at nag dishwash tapos ay umakyat muna ako at tinabihan si Toto para matulog.

===================

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Tumingin ako sa wall clock at alas dos na pala!

Bumangon ako at sinagot ang tawag ni Ge.

"Hello, Ge?"

"Hello Greece! Sorry sa istorbo pero hindi ka kasi nagrereply sa text ko. I'm worried."

Napakunot ang noo ko.

"Nasa bahay na ako kanina pa. Sorry hindi kasi ako nag check ng messages but no worries... I'm perfectly okay..."

I heard him sigh.

"Good to know that. Sige ikumusta mo na lang ako kay Toto and please do check my messages from now on Gre because it might be about your business..."

"Oh! Sure, Ge! Take care. Bye!"

"A'right. Take care Greece."

Lumabas na ako ng kwarto at ni-check ang 5 messages na galing lahat kay Ge.

Wow! He was really worried! I texted him and I can't help to smile while doing that.

Pagbaba ko ay namataan ko agad si Rome na nanonood ng basketball sa sala.

"Rome, si Toto? Hindi pa yun kumakain ng lunch..."- tanong ko agad.

"Kumain na siya... Pinaliguan ko pagkatapos at hiniram ni Mommy..."

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon