Chapter 13

43 1 1
                                    

Greece's POV

Nung gabing yun ay kay Gerald ako tumakbo. I told him everything. Sa kanya ko naibuhos lahat ng sama ng loob ko simula pa noong kinasal kami ni Rome. Maging ang mga detalye ng buhay ko bago magpakasal ay alam na niya.

Mabuti na lang at sa isang condo unit siya tumutuloy kaya't madali akong nakahanap ng hotel na matutuluyan malapit doon.

Kinabukasan ay nagkulong lang ako sa kwarto at nilibang ang sarili ko sa pagtawag kay Toto. Hindi ko na lang ipinahalata na may problema kami ngayon ng Daddy niya. Tinext ko si Rome na huwag nang ipaalam sa iba ang nangyari at uuwi din ako sa bahay sa biyernes, pagkasundo ko kay Toto sa airport.

Hindi siya nagreply at sana nga ay hindi na makarating ito sa in-laws at parents ko.

Ngayon ang huling araw ni Toto kasama ang parents ko sa Boracay kaya mamayang gabi na lang ako tatawag para hindi sila maabala masyado. Si Gerald naman ang naabala ko na lumiban pa talaga ngayon sa trabaho para samahan ako buong araw.

Nandito kami sa unit niya para gumawa ng business plan ng coffee shop na gusto kong itayo.

"I can help you with the suppliers, Greece. Marami kaming contact person sa office. Maganda kung makakahanap ka ng space dito sa city proper para sa coffee shop mo since nandito ang market kaso nga lang ay 1 hour drive pa pala ito galing sa bahay ninyo..."

Tumango tango ako sa sinabi niya. Namamangha ako dahil akala ko ay palikero lang siya pero halatang matalino siyang tao. Haha.

"Sa totoo lang ay may napupusuan na akong lugar na pagtatayuan at nasa may labas lang siya ng subdivision namin pero hindi nga lang ganun kadami ang tao dun kumpara dito..."

"Hmmm... Sige sasamahan kita dun and let's see kung feasible magtayo doon... May alam akong commercial space for rent around the area at kung gusto mo, dumaan tayo mamaya before pumunta sa supermarket..."

"Talaga?! Naku nakakahiya naman sayo! Wait, kung gusto mo, business partners na lang tayo! Ano?!"- excited na suggestion ko and I badly need his help.

Natawa siya... "Ano ka ba, kaya mo yan! Tsaka being your business consultant is enough for me..."

"Ganun?! Hahaha! Don't worry ipapadala ko ang ang consultancy fee mo pag uwi ko bukas..."

Sumimangot siya.

"Hindi naman ako nagpapabayad! Wag ka nga Greece, nakakasama ng loob! Feeling ko others ako sayo..."

"Business is business kaya so okay lang yun noh! Tsk..."

"Fine! Titingnan ko yang menu na naiisip mo mamaya kaya tapusin mo na yan..."- sabi niya na lang saka bumaling ulit sa laptop niya para ipagpatuloy yung business plan.

Tumango ako at napatuloy sa pagsusulat ng mga menu na tingin ko ay magandang i-offer.

Gumawa ako ng tatlong set para may pagpipilian si Gerald at nilista ko na din ang mga equipment at ingredients na tiyak ay kakailanganin sa coffee shop.

Matapos ang isang oras ay nagyaya na si Gerald na bumaba muna para tignan yung sinasabi niyang site at mamili sa supermarket para sa lunch namin.

Siya halos ang kumausap sa may-ari nung commercial space at lalo akong humanga sa communication skills niya. Kinuha namin ang contact number niya at mabuti na lang at kami pa lang naman daw ang posibleng rerenta sa ngayon.

Nagustuhan ko yung lugar at kung hindi lang talaga malayo sa bahay ay kukunin ko na ito.

Malapit lang ang supermarket kaya nilakad na namin. Siya ang taga tulak ng cart at taga kuha naman ako ng bibilhin.

Rome and GreeceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon