Monique
Heto nanaman ako.
Hindi nanaman ako makatulog sa kakaisip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay ko.
Tatlong taon na kaming wala ni Charlie pero bakit hanggang ngayon naiisip ko pa rin siya?
Naka-move on na ba talaga ako o sadyang pinipilit ko lang paniwalain ang sarili ko na tanggap ko na ang lahat samen?
3 years, Monique. 3 years ka ng nagpapakatanga sa lalakeng walang pakielam sayo!
Dahil hindi ako mapakali, nag-log in ako sa Facebook account ko.
Hanggang ngayon kasi naka-save pa rin sa albums ko ang mga pictures namin ni Charlie,
nung mga panahong magkasama pa kami,
nung mga panahong kami pang dalawa dahil naniniwala kami sa forever,
nung mga panahong mahal na mahal pa niya ako,
nung mga panahong mahalaga pa ako sakanya..
Ang sakit..
Ang sakit-sakit..
Di ko napigilan ang pagpatak ng aking luha mula sa aking mga mata.
Hanggang ngayon, sobra pa rin akong nasasaktan sa break-up namin.
Martyr na kung martyr pero si Charlie lang ang minahal ko nang ganito.
Sinubukan kong tignan ang kanyang Facebook profile,
mas lalo lang akong nasaktan.
Sana hindi ko na lang tinignan.
Pinatay ko na lang laptop ko at bumalik muli sa pagkakahiga.
...
I miss you like crazy..
3:45am
*phone rings*
Naalipungatan ako mula sa tunog na nanggagaling sa cellphone ko.
"Sino naman ang tatawag ng ganitong oras?" pagtataka ko sa sarili ko.
+639156781234
"Kaninong number 'to?"
Kahit hindi ako sigurado kung sino 'yung tumatawag sa phone ko, sinagot ko pa rin 'to.
Me: Hello?
Me: Sino 'to?
Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumagot mula sa kabilang linya na para bang pinapakinggan lang ako nito.
Bumalik ako muli sa pagkakatulog pero maya't maya rin tumunog muli ang cellphone ko.
This time hindi na muna ako ang unang nagsalita.
Nakikinig lang ako mula sa kabilang linya.
Maya't maya nakarinig ako ng paghikbi..
Me: Okay ka lang ba?
Ayoko man isipin pero kusa na lang 'tong pumasok sa isipan ko na si Charlie 'yung nasa kabilang linya.
Yung totoo kasi, umaasa pa rin ako na isang araw tatawag siya saken at magmamakaawang makipagbalikan ako sakanya.
Pero alam ko namang malabo mangyari 'yun, dahil in the first place, si Charlie ang nakipagbreak at hindi ako.
+639156781234: Hindi ko alam paano ko sisimulan 'to pero I'm really, really. really sorry. *sniff sniff*
Oh God, no.
Me: For what?
Sa kadahilanan na naguguluhan pa rin ako kung sino ba 'tong nasa kabilang linya, hindi ko napigilan ang aking sarili na sumagot sa sinabi niya.
+639156781234: For all what I've done. For all the pain I've caused you. Please, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon na patunayan sayo that I'm worth it..
Me: Wait. Si--
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita 'tong muli.
+639156781234: I know I've made a biggest mistake in my life that's why I'm asking for your forgiveness.. Hindi ko kayang mawala ka. Please come back to me, babe.
I hope it's really him..
Matagal kong hinintay 'tong pagkakataon na 'to..
Yes, I do still love you, Charlie.
Feeling ko nananaginip lang ako.
Kinusot-kusot ko mga mata ko at kinurot ang pisngi.
Magsasalita na sana ako pero naunahan ulit ako nito.
+639156781234: Nagmamakaawa ako sayo, Cindy. Mahal na mahal kita. I can't do this without you. You're my life, Cindy. You are everything to me. I'm really sorry. I love you!
Cindy?
Sinong Cindy pinagsasabi nitong lalakeng 'to?
Si Charlie ba talaga 'tong kausap ko?
Nang-aasar ba siya?
Pinapamukha ba niya saken na miserable na buhay niya dahil sa ibang babae?
Me: I'm sorry but, Cindy is not my name. Nakikiramay ako sa patay mong puso pero wag ka namang selfish, oh! Hindi lang naman ikaw ang taong nasaktan sa pag-ibig. Paasa ka eh! Inuulit ko, HINDI AKO SI CINDY. Okay? Wrong number ka ho. And please, don't you dare to call me again!
Hindi ko na 'to hinintay pang magsalita muli, binaba ko na agad ang tawag nito.
Nasira ang moment ko dun, ah!
Aaarghhh!!
>.<
Naiinis ako!
Umasa na ako na si Charlie na 'yung kausap ko tapos ganon? Wrong number pala!
BINABASA MO ANG
It Started With A Wrong Phone Call
JugendliteraturAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...