Point of View:
[Kean Luis]
...
"Ano na 'tol? Sumama ka na kasi! Papilit ka pa eh!" naiiritang sabi ni Christian habang busy ako sa kakatext kay Angela.
Pinipilit kasi ako nitong sumama sakanila sa Batangas. Monthsary celebration daw nila ng girlfriend niyang si Jenika.
"Kayo na lang! Tinatamad ako 'tol.." sagot ko dito nang hindi ko man lang ito tinitignan.
Wala talaga akong gana sumama sakanila. Mas gusto ko pang itext buong araw si Angela eh.
"Wag ka na tamarin! Kasama rin naten 'yung best friend ni Jenika, si Monique! Irereto ka na namin sakanya 'tol! Nakita mo namang chx 'yun diba?! Ayaw pa?"
Bigla akong napatingin dito..
"Oh anong tingin yan? Sasama ka na ba?"
Oo nga pala, Monique nga pala pangalan nun.
Teka..
Parang narinig ko na 'yung pangalan niya somewhere. Hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
"Sige, sasama na ako." bigla kong sabi dito.
"Yun oh! Yes!" masayang-masayang sabi ni Christian dahilan para mapatalon pa 'to sa tuwa.
"Kailan ba 'yun?"
"Bukas na 'tol!"
"Ano?! Bukas na agad-agad?!"
"Oo! Sige, punta muna ako kina Jenika." Palabas na sana ito ng pintuan. "Teka, hindi mo man lang ba hihingiin saken # ni Monique?"
"Huh?" pagtataka ko.
Bakit ko naman hihingiin?
Okay na ako sa # ni Angela. :)
"Psh! Ang hina mo talaga 'tol! Seryoso ka na ba dyan sa katext mong Angel?"
"Sige na! Pumunta ka na dun sa girlfriend mo. Ang dami mo pang daldal eh. Iniistorbo mo pagtetext namin ng angel ko eh." pagbibiro ko dito.
Napailing na lang 'to at sabay labas ng kwarto.
At dahil hindi ko na matiis ang hindi marinig boses ni Angela, tinawagan ko na 'to.
Ang tagal din kasi niyang magreply eh. Nabibitin ako.
"Oh? Ba't napatawag ka?"
"Ang tagal kasi pag text eh. Tsaka miss ko na ang mala-anghel mong boses."
"Likas na ba talaga sayo yang malabulaklak na bunganga? Natural na natural eh."
"Grabe ka naman.. Totoo naman 'yung sinasabi ko eh. Hindi ako nambobola, no."
"Talaga lang, ha?"
"Hindi ka ba busy ngayon? Baka busy ka ah, sabihin mo lang baka kasi sungitan mo nanaman ako. Alam mo namang ayokong nagsusungit ka saken."
"Kung busy ako, hindi ko n sana sinagot 'tong tawag mo."
"Oo nga, no? Anyways, ayaw mo ba talaga akong makita sa personal? Malay mo, magwapuhan ka saken tapos ma-in love ka."
Narinig ko ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.
"Ibang klase ka rin eh, no? Ang taas ng confidence mo eh! Baka naman ikaw ang ma-in love saken kapag nakita mo ako in person, kaya wag na lang. Baka mahirapan ka pa mag-move on." sabay tawa ulit nito.
Ang saya ko lang. Para na akong baliw dito. Napapangiti kasi ako eh.
Ngayon lang kasi kami nagkausap nang ganito.
BINABASA MO ANG
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...