Chapter Three: That crazy guy!

165 13 6
                                    

Point of View:

[Angela Monique]

**

Ang sarap-sarap ng tulog ko nang bigla akong makaramdam ng sakit ng tyan ko.

  

Napatakbo ako nang mabilis papunta sa CR para mailabas itong sama ng loob na umistorbo sa aking mahimbing na pagtulog.

Naalala ko, ang dami ko pa lang nakaen kagabi sa dinner namin ni Vince.

"Ugh. May liwanag na pala.. Anong oras na ba? Bakit hindi ko man lang narinig nag-alarm 'yung phone ko?"

Napamulat ang aking mga mata nang hindi ko kaagad ito nakita sa may gilid ng unan ko.

"Hala! Nasaan na 'yung cellphone ko?!"

Napakamot ako ng ulo sa inis. Sinubukan ko itong hanapin sa loob ng bag ko na ginagamit ko kapag pumapasok sa work, pero hindi ko pa rin ito nakita. Pinagbubukas ko na rin 'yung drawers ng mga damit ko para hanapin ito, pero bigo rin akong makita ito dito.

Napaupo ako sandali sa gilid ng kama ko at pilit inaalala 'yung mga nangyari kagabi, kung saan ko ito nailagay.

Bigla kong naisipan tignan 'yung ilalim ng kama ko.

Naisip ko kasing baka nahulog ito. 

"AAAHHHH!"

Napasigaw ako sa tuwa nang makita ko nga ito sa ilalim ng kama ko. 

Bakit ngayon ko nga lang ba naisipan tignan 'yung ilalim ng kama ko? 

Agad ko itong kinuha at sabik na tinignan kung anong oras na at kung may mga messages ako.

"Huh?"

Pinindot ko 'yung ON nito. Nakapatay kasi ito nang tignan ko. 

Nakailang pindot na ako sa ON nito para buksan at kahit anong diin pa ng pindot ko dito na halos mabaon ko na 'yung pindutan, ayaw pa rin talaga nitong bumukas. 

Sinubukan kong tanggalin sandali ang battery nito at ibinalik muli. 

Pinindot ko muli 'yung ON nito pero ayaw pa rin talagang bumukas. 

Gusto ko na itong ibato sa inis ko nang biglang pumasok sa isipan ko ang i-charge ito at baka lobat lang.

Isinaksak ko ito at hinintay lumabas ang sign na charging.

Charging 1%

Jusko, lobat lang pala! Kamuntikan ko pang ibato, buti na lang at hindi ko itinuloy. 

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang oras sa cellphone ko.

It Started With A Wrong Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon