"Sige na, Nique! Pumayag ka na!"
"A-YO-KO!"
"Babawi naman ako after eh! Pagbigyan mo lang ako this time. Please!"
"Eh bakit ka ba kasi hindi makakapasok?" sabi ko habang papasok ng locker room kasunod si Jenika.
Natahimik ito.
"Oh bakit wala kang masagot?"
"Parang hindi ka naman kaibigan oh! Eh kasi nga tutugtog sina gummybear ko sa isang event. Kailangan niya ng support ko! Alam mo na 'girlfriend duties'!"
"Psh! Yun lang?"
"Sige na please, Nique!" pagmamakaawa nito.
"Ugh! Okay, sige na!"
Bigla ako nitong niyakap nang mahigpit sa sobrang tuwa nang marinig ang pagpayag ko sa gusto niyang ako ang pumasok sa schedule niya this coming Thursday.
Imbis na day off ko, papasok pa tuloy ako sa schedule niya. Kung di ko lang talaga mahal 'tong kaibigan ko eh..
"Yey! Thank you so much, very much, Monique! The best ka talaga! Love you!"
"Oh tama na, baka magbago pa isip ko. Mag-CR lang muna ako. Hintayin mo ako."
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sandali bago ako bumalik sa locker room.
Parang ang putla naman yata ng itsura ko? Masyado na ba akong stressed sa buhay ko?
"May nagtext sayo, Nique!" bungad saken ni Jenika pagkapasok ko sa locker room habang ito ay nagreretouch ng make-up.
Kinuha ko ito at tinignan kung sino 'yung nagtext.
As what I expected, 'yung ANNOYING STRANGER nanaman 'yung nagtext.
"Don't let a bad day make you feel like you have a bad life. Hi, Angel. :)"
Angel? Kailan pa naging Angel pangalan ko?
Papansin talaga 'to! Wrong send naman yata siya ngayon. Psh!
Ilalagay ko na sana 'yung cellphone ko sa bag ko nang biglang magtext nanaman 'to.
"How's your day, Angel? :)"
"Huy!" gulat saken ni Jenika.
"Uh?"
"Mukhang busy ka dyan sa katext mo, ha? Sino ba yan?"
"Busy ka dyan. Wala, binabasa ko lang 'yung mga GM." sabi ko sabay lagay ng cellphone sa loob ng bag ko.
"Sus, GM ba talaga?"
"Haynako, yan ka nanaman.. Nasaan na ba si Vince?"
Kalalabas lang namin sa locker room at papunta na sa parking lot para kitain si Vince.
"Ewan ko nga dun eh. Kanina ko pa siya tinext na papunta na tayo sa parking lot. Di naman nagrereply. Tawagan mo nga, Nique. Baka sakaling sumagot 'yun kapag ikaw na kumontak sakanya."
"Nag-riring lang eh."
Naka-tatlong beses na akong tawag pero hindi rin nito sinasagot tawag ko.
"Hi, girls! Surprise!"
"See?" sabi ni Nika.
"Sorry, I'm a bit late sa usapan."
"Sus, kung hindi pa si Monique tatawag sayo, di ka pa magpapakita eh. Pa-surprise surprise ka pa dyan. Di naman kami na-surprise."
Ngumiti lang si Vince sa sinabi ni Jenika at ginulo ang buhok nito.
"Uhm, Monique here.." Sabay abot ng cake box saken na galing sa Slice.
BINABASA MO ANG
It Started With A Wrong Phone Call
Genç KurguAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...