Point of View:
[Kean Luis]
**
"Tol shi Cindy.. Hik!"
"Tsk tsk! Ano bang nangyari sa inyo, Luis?"
Hindi ako nakasagot kay Christian. Sobrang hilong-hilo ako ngayon.
Hindi ko na rin nakayanan umuwi mag-isa sa sobrang kalasingan ko kaya tinawagan ko si Christian para sabihing baka hindi muna ako makauwi sa apartment.
Pero ang lakas ng pakiramdam nitong kaibigan ko. Natuklasan niyang lasing na lasing nanaman ako kaya agad niya akong pinuntahan sa Makati kung saan kami madalas umiinom para sunduin.
Buti pa 'tong kaibigan ko, daig pa jowa kung mag-concern sa akin eh.
"Ini-wan na.. Hik!akuh ni shindy.. tol!" sabi ko habang akay-akay ako ni Christian paakyat sa apartment.
Nanghihina ako sa tuwing naaalala ko 'yung mga sinabi sa akin ni Cindy kanina.
Para bang gusto ko nang maglaho sa mundong ito.
"Uy tol! Umayos ka.. Baka malaglag tayo sa hagdan!" Muntik na kasi kaming malaglag sa hagdan. Pagewang-gewang kasi ako eh. Tapos mas malaki pa ako kay Christian kaya hirap din itong alalayan ako.
Umiikot na rin 'yung paningin ko.
Hindi ko nga alam kung paano pa ako nadala nitong kaibigan ko dito sa apartment.
"Ayan! Matulog ka na dyan! Whew! Pasaway ka talaga, tol. Kung hindi lang kita mahal dyan eh! Naku!" sabi ni Christian pagkalapag niya sa akin sa kama.
"Awww shuweet naman ng.. Hik! Tropa ko oh.."
Hinanap ko 'yung cellphone ko sa bulsa ko.
"Tol.. shelpon ku? Nasan?"
"Ay eto oh!" Sabay abot nito sa akin. "Shet tol!" biglang sigaw nito.
Tinignan ko lang ito.
"Naku naman talaga! Lagot ako nito kay commander!"
"Baket tol? Hik!"
"Nakalimutan ko sunduin girlfriend ko! Ang dami ng text at tawag saken! Naku!"
Kahit medyo malabo na paningin ko dala ng kalasingan, kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang takot nito at pag-aalala sa girlfriend niya.
Nakaramdam ako ng awa. Dahil katulad ko din ito si Christian kung magmahal pagdating sa girlfriend.
"Shabe ku namen kashe shayu e.. Hik! Wag mu nako shunduin.. kaya ku namen sharile ku.. Kaushapin ku na lang shi Jen mu bukash!"
"Anong kaya? Eh tignan mo nga yang itsura mo? Mukha ka ng sabog tol! Tsk tsk! Teka tol, sunduin ko na muna 'tong girlfriend ko sa work niya. Mag-alas tres na ng umaga e! Tsk tsk!"
Hindi na ako nakasagot pa dahil dali-dali din itong lumabas.
Sinubukan kong tawagan si Cindy. Pero may nakaagaw ng atensyon ko sa phone ko nang tignan ko 'yung calls ko.
+6392788864**
Unang pumasok sa isipan ko eh, baka nakitawag 'yung kaibigan ko kanina at hindi ko na namalayan dahil sobrang lasing nga ako.
Dala ng sobrang kalasingan ko, hindi ko na rin masyado ma-control 'yung mga pinaggagawa ko.
Aksidente kong napindot 'yung call dun sa unknown number.
"Hello?"
Babae?
Isang babaeng na may mala-anghel na boses.
BINABASA MO ANG
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...