Chapter Six: Can we be friends?

97 7 2
                                    

"Girl, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" inis na tanong ni Jenika.

Kanina pa kasi 'tong daldal ng daldal habang ako ay tulala..

"Ha?"

"Ano ba yang iniisip mo? Or should I say, SINO ba yang iniisip mo? Si Charlie nanaman ba, Nique? For God's sa--"

"It's not about Charlie anymore, Nika."

"Oh, so may bago ka na ngayon?"

"OA, ha? Bago agad?"

"Teka nga.. May hindi ka kinukwento saken eh! Don't tell me.. nakikipag-communicate ka na dun sa guy na nagkamali lang ng tawag sayo last last last night?!"

Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Jenika.

Uminom muna ako ng tubig bago ko sagutin ang nakakalokang tanong nito.

Ibinaling ko muli ang tingin dito na hanggang ngayon eh, nanlilisik ang mga mata nito saken habang abang na abang sa sasabihin ko.

"Ano bang klaseng tanong yan, girl?"

"SO, TOTOO NGA?!"

"Ano?! Of course not! Kilala mo ako, Nika. Hindi ko ugali makipag-textmate sa hindi ko kilala."

"Ows? Talaga lang, ha?'

"Oo, no!"

"Eh bakit ka nga tulala?"

Akala ko makakalusot na ako.

"It's about the guy.."

"The guy? Who?"

"Yung nagligtas saken kagabi.."

"Huh.. What about him, Nique?"

"I can't even forget his face.."

Bigla namang tumawa nang malakas si Jenika. Tinakpan ko ang bibig nito para kontrolin ang malakas nitong tawa.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito sa cafeteria.

"Ano bang nakakatawa dun sa sinabi ko, girl?" pagtatakang tanong ko sa biglang pagtawa nito.

Kahit ako naweweirduhan na dito sa kaibigan ko eh.

"Adik ka ba girl?" biglang tanong nito sabay tawa ulit.

Eh siya yata 'tong adik eh.

"Huh.. Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong nyan sayo?" balik na tanong ko naman dito.

"Hindi nga.. Sagutin mo nga tanong ko, adik ka ba?"

"Obvious ba?"

Napakunot ang noo nito. "Syempre, hindi! Ikaw ang adik eh!" dugtong ko.

"Eh kasi naman girl, kagabi lang naman 'yun nangyari, paano mo naman makakalimutan agad 'yung mukha nung lalakeng sinasabi mong nagligtas sayo!"

Napahilamos na lang ako mukha sa inis.

"Eh bakit nga ba hindi mo makalimutan agad?" tanong nito sabay tingin saken. Tinignan ko lang din siya at iniisip kung bakit nga ba hindi. "Eh baka naman kasi, na love at first sight ka sakanya, Nique! Uuyyyyy! Buti naman at nakahanap ka na ng kapalit kay Charlie!" Tumayo ito sa kinauupuan niya at niyakap ako nang mahigpit. "I'm so happy for you, Angela Monique! Like, finally!!!"

"Aaahhh! Jenikaaaaa!"

Kahit anong pagpupumiglas ko mula sa mahigpit na yakap nitong baliw kong kaibigan, hindi talaga umeepek. Gigil na gigil pa rin ito sa pagyakap saken.

"Hey, girls!"

"Vince!! Si Jenika oh!" Para akong batang nagsusumbong kay Vince.

Pero nginitan lang kaming dalawa nito. "Pinanggigigilan ka nanaman ni Nikanor!"

It Started With A Wrong Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon