Chapter Ten: Getting 'kilig' from a stranger?

68 4 0
                                    

Point of View:

[Angela Monique]

...

"I'll be there in 15 minutes!" sabi ko kay Jenika at sabay end ng call.

At dahil parehas naming day off ngayon, niyaya niya ako mag-shopping at kumaen sa labas bilang pambawi niya sa nagawa niya nung last event sa hotel which is hindi niya sinabi saken na kasama pala siya dun sa event.

Sa totoo lang, tampu-tampuhan lang naman 'yun eh. Gusto ko lang talagang magpalambing sa kaibigan ko.

>:)

Nagmadali na akong mag-ayos dahil sinabi ko nga 15 minutes nandoon na ako sa pagkikitaan namin.

(Check the picture of her outfit on the side -->)

I checked my inbox habang palabas ako ng condo.

Hindi ko pa pala naoopen 'yung message ni Kean.

Yes, Kean na nga tawag ko sakanya at hindi na Annoying Stranger.

From: Kean The Annoying Stranger

"I know you're already sleeping but still, I think you should know this, I MISS YOU, Angel.. Sana magtext ka na mamaya. Kung hindi, mangungulit ako ng mangungulit sayo. >:) I hope you have wonderful dreams tonight. :)"

Pero syempre, I consider him as the annoying stranger in my life.

Sweet ko ba?

>:)

Hindi ko naman maitatanggi na nawala na nga ang pagkairita ko sakanya. Hindi ko alam kung bakit at kung paano, it just happened all of a sudden.

To: Kean The Annoying Stranger

"Hey good morning, Kean The Annoying Stranger! >:) Miss agad? Eh feelingero ka rin pala eh, no? Close na ba tayo? Tsk tsk! Subukan mo lang mangulit ng mangulit ulit, hindi na kita kakausapin ulit!"

Hindi pa kami ganoon nagkakatext ng matagal. Pa-saglit saglit na text lang. Busy kasi ako sa work. Pero nakwento ko na sakanya 'yung about sa work ko, 'yung kay Ma'am Helen.

Ang daya nga eh. Ako pa lang kasi ang nagkukwento. Samantalang siya, puro pakinig lang sa kwento ko. Wala pa ako masyadong alam about sakanya.

Saktong 15 minutes, nakarating na agad ako sa usapan namin ni Jenika.

Teka, bakit wala pa 'yung babaeng 'yun?

Tatawagan ko na sana ito nang biglang nasagot ko 'yung tawag sa phone ko.

"Hello?"

Hindi ko na natignan pa kung sino 'tong tumawag.

"Good morning, Angel!"

Dali-dali kong inalis 'yung cellphone ko sa tenga ko at tinignan 'yung screen ng cellphone ko kung sino ba 'tong kausap ko para makasigurado.

Kean The Annoying Stranger..

"Kean?!" Gulat na sabi ko dito.

Ngayon lang kasi kami nagkausap nito sa cellphone na parehas kaming nasa matinong pag-iisip. Yung tipong walang problemang iniisip, badtrip or lasing siya.

"Yes, babe! You got it right! How are you, my angel? Bakit parang gulat na gulat ka yata?"

"Ang landi mo ah! Babe? My angel? Excuse me?"

"Don't you like it? Yan ka nanaman sa pagkamasungit mo saken." biglang lungkot ng boses niya.

Ano bang problema nito? Ang aga-aga, ang landi eh!

It Started With A Wrong Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon