Chapter Five: The night I met my knight in shining armor

110 7 1
                                    

Point of View:

[Angela Monique]

**

Wala nang mas sasaya pa na araw kundi ang day off ko sa work. Masyado na akong stressed sa trabaho pati na rin ang puso ko. Buti na lang naisipan mamasyal ni Nika kasama boyfriend niya at ayain ako nitong sumama sakanila kahit na feeling ko lang ma-oOP ako sa kanilang dalawa.

May pasok kasi si Vince sa trabaho kaya hindi ito makakasama sa amin.

Habang hinihintay ko sina Nika at ang boyfriend niya, naupo muna ako sa isang tabi kung saan napapalibutan ako ng mga lovers dito sa park. Kahit saan kasi ako magpunta, puro lovers talaga ang mga nakakalat dito sa park.

Nakaramdam ako ng ka-emohan habang pinagmamasdan ang mga lovers sa paligid ko. Bigla ko nanaman naalala ang mga masasayang ala-ala namin ni Charlie.

Sobrang sakit.. sobrang sakit malaman na hindi pa pala ako sapat para sakanya.

Hindi pala ako kasama sa mga pangarap niya..

Nararamdaman kong pabagsak na ang mga luha ko..

"HUY!"

"Ay mukha kang kalabaw!"

Nawala bigla ang pag-eemote ko nang biglang gulatin ako ni Nika mula sa likod ko. Walang tigil ito sa pagtawa nang lingunin ko siya.

"Patingin ako gummybear!" sabi nito habang dali-dali siyang pumunta sa kinapupuwestuhan ng boyfriend niya na vinideohan pala ang pagkagulat ko.

"At talagang ginawaan niyo pa ako ng scandal ha?!" medyo inis kong sabi sa kanilang dalawa.

Mukhang nakaramdam si Nika kaya agad itong lumapit saken at nilambing ako.

"Uy! Joke lang naman, Nique! Gummybear burahin mo na yan!"

"Bakit? Sayang naman. Ang cute mo kaya dito Monique!"

"Tigilan mo ako Ian ah!" pagpapanggap kong inis dito para tuluyang burahin na nga 'yung video ng pagkagulat ko.

"Okay okay, I'll delete it na. Kalma!"

"Yeah shut up!"

"Oh ayan nanaman kayong dalawa. Mag-aaway nanaman ba kayo?" singit ni Jenika.

Pangatlong beses pa lang kami nagkikita ng boyfriend ni Jenika pero sa tuwing magkikita kami nito walang araw na hindi kami nagkakaasaran nito. Hindi naman sa ayaw ko sakanya at ayaw niya sa akin. Sadyang malakas lang talaga 'tong mang-asar at hindi ko maiwasang hindi mapikon kaya nauuwi sa inisan.

"Baka naman kasi nag-eemote nanaman siya babe tapos bigla mong ginulat!"

"Ano naman sayo kung nag-eemote ako? Ikaw kaya mapalibutan ng mga mag-jowa dito sa park tapos brokenhearted ka, sinong hindi makakapag-emote pag ganon?! Gamit-gamit din ng utak ah! Baka mabulok yan."

Magsasalita pa sana ito pero pinigilan na siya ni Jenika.

"Gummybear wag ka na sumagot pa!"

Bago pa tuluyang masira ang araw na ito, niyaya ko na si Jenika na mag-ikot ikot sa park at sumakay sa mga rides.

"Grabe! Nakakatawa 'yung mukha mo dun sa picture! Nakita mo ba? Pigang-piga 'yung mukha mo sa takot eh!" sabi ko kay Jenika pagkatapos namin makita 'yung mga pictures namin nung nakasakay kami sa Space Shuttle.

"Eh alam mo namang takot na takot talaga ako dun sa Space Shuttle na 'yun eh! Sabi ko naman kasi sa inyo, wag na tayo sumakay dun!"         

It Started With A Wrong Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon