Chapter 2

454 21 1
                                    

SI JOSEPH

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa mukha ni mama na nakahiga sa hospital bed na yun. Haixt di ko maimagine yung buhay ko na wala sya. Yun buhay na magisa. Di ko kaya.

Yan ayaw kasi magdiet.. Putek sabi ng doctor highblood daw si mama.. May bago ba dun.?hahaha Sobrang init kaya daw to nawalan ng malay kanina. nakita ko naman na dumilat na yung mata nito.

" ma..?" saad ko para makuha yung atensyon nito napalingon naman sya sakin..

" Nasaan ako..?" saad nito habang nililibot yung tingin sa paligid.

" Nandito tayo sa ER ma.."

" Sa ospital.?"

" Nasa palengke.. Ipapakilo ko na kayo eh tapos gagawing porkchop tong mga braso niyo." simangot ko. inalalayan ko naman syang umupo. Nahawakan naman nito yung bukol nito sa ulo. "Sabi ko sa inyo mainit ngayon so more water dapat at magsuot ng maluwag na damit hindi bagay sayo fitted na damit ma. Paulit ulit na ko sa inyo."

" Naglilinis lang naman ako.. Tapos bigla akong nahilo.." napapakamot na saad nito.

" sabi ko din sa inyo na wag na kayo masyadong gumalaw sa bahay.. Ako ng bahala sa paglilinis. Kaya ko na yun eh."

" pero.."

" shut up ma..kontra ka pa eh.." saad ko habang hinahawi yung buhok nito na napunta na sa mukha. " sumunod naman kasi kayo ma.."

" ang bossy mo talaga." simangot nito.

" Sabi ng doctor kung hindi niyo aalagaan yung sarili niyo baka hindi lang basta stroke mangyare sa inyo.. Baka heart attack na daw..? Ma naman eh.?" pagmamaktol ko umiwas lang ako ng tingin ng maramdaman ko na namuo na yung luha sa mata ko.. Haixt di ko na ata kakayain kung mawala pati sya sakin.. ayoko.. " ma may pangako pa ko sa inyo..at sa ayaw at sa gusto niyo tutuparin ko yun. Di mo naman ako iiwan di ba.?"

" Hindi kita iiwan wag ka ngang oa joseph."

" Umayos kayo.. Malaki na ko kaya di niyo nako kailangan alagaan.. Kasi ako na dapat magalaga sa inyo.." hindi ko naman napigilan yung pagtulo ngluha ko.

" so ano gusto mo sabihin.. Na matanda na ko.?"

"Oo ma.. Pano ako kapag nawala kayo.. Ma ayoko.."

" Ang iyakin mo.. Bata pa ko matagal pa ko mabubuhay."

" bata pa nga kayo sobrang taba naman..buhay pa kayo kinakain na ng taba yung katawan niyo.."

" EH kung bigwasan kita.?" natatawang saad nito humugot lang akong malalim na hininga saka yumakap dito.

" Ma please..Sabi ng doktorokay naman daw yung sugar niyo.. Wag mo kakalimutan yung gamot niyo huh.. di dapat.."

" Opo.." saad nito hinalikan ko naman sya sa pisnge.

" I love you ma.. I love you i love you." lalo ko lang hinigpitan yung yakap ko saka dinama yung katawan nito.. Haixt makikipagpatayan ako mabuhay lang si mama ng matagal.. Bubuo pa ko ng pamilya at gusto ko makita niya yun. " baho mo ma.." simangot ko ng humiwalay dito.

" naglilinis nga ako di ba..?anong oras na ba.?"

" gabi na po.. Sabi ng doctor pag nagising daw kayo pwede na tayo umuwi.. Nagreseta nalang sila ng gamot..bumaba narin yung dugo niyo."

Just For A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon