Chapter 20

362 10 5
                                    

CHAPTER 20

SI JOSEPH

            Lahat ng tao naranasan masaktan, naranasan umiyak, lahat tayo may istorya kung pa’no tayo nabigo. Love hurts? Totoo ‘yun. Kapag nagmahal ka kahit ayaw mo, masasaktan ka. Wala naman kasing perpektong tao na puro saya lang ang kayang ibigay sa’yo pero tandaan mo kahit ga’no ka man nasaktan o gaano man kadaming luha ang iniyak mo. Love.? It will bring more happiness than sadness. 

             Wag kang mapagod magmahal, kung tingin mo malalim yung naging sugat, hintayin mo maghilom, hintayin mong mawala yung sakit pero wag na wag mong isasara ang puso mo. Kasi wala taong makakapagbukas nyan kundi sarili mo. Na kahit gaano man kadami yung tamang taong darating kung hindi mo naman bubuksan yung puso mo. Walang mangyayare. Kahit gano man nilang pilitin makapasok sa puso mo, di nila magagawa. Let love finds you. Wag mo syang taguan at higit sa lahat wag kang matakot masaktan uli. It may hurts but it teaches you a lesson fo you to be a better person.

            love again.

            “ Body shot na!!” sigaw ni franz. Nagtawanan naman kami. Nakwento sakin ni jonas dati na sa duhat tree na to nangyare yung isa sa pinakamasayang parte ng buhay nila ni Nicko. Napakaganda sa lugar to, tahimik at makikita mo yung mga bituin at buwan. Everything is perfect.

            “ Where’s the salt.?” saad ni Jonas tinaas naman ni Chris yung hawak niya.

            “ Hoy Justin huwag mo naman papakin yang lemon.?”

            “ Oo nga baka maubos.” reklamo ni paul.

            “ Walang pakialaman Joseph!”

            “ Wag mo ubusin.” agaw ni Ren sa lagayan. “ sigurado ba kayo sa body shot thingy na to..?”

            “ Oy ren wag kang kontra.” ngiti ni Franz. “ pabor na pabor to.”

            “ Shut up.. Daryll.? Okay lang sayo.?”

            “ Okay lang.”

            “ Sure ka huh, manglalaway ng iba si franz.?”

            “ Ren huh.?”

            “Ganito ang Rule kung sino yung katabi niyo.. Sya yung ibobody shot niyo. So since nasa tabi ni daryll si franz..si daryll ang gagawa then katabi ni franz si Joseph, si franz ang gagawa kay Joseph then joseph to Chris then Chris to Thomas, Thomas to Ren, And so on.” Paliwanag ni Jonas. Napalingon naman ako kay franz na nagbigay lang ng nakakalokong tingin siniko ko naman sya.

            “ pwede ba tawagan ko si Stephan.?” pilit na ngiti ni Justin. “ please.?”

            “ Who’s stephan.?” ngiti ni Nicko.

            “ bago niyong Friend.?” tanong ni Jonas.

            “ karelasyon ni Thomas.” asar ni Geo.

            “ fuck you!” simangot lang ni Justin.

            “ Yeah New friend, Kasabay namin sya na nilaunch ng SBR. Is it ok guys.?” ngiti ni Chris.

            “ Sure okay lang naman siguro.” ngiti ni erika. Sumangayon naman sila.

            “ Joseph sige na.. Tawagan ko si Stephan.? Please.?”

            “ bahala ka.”

            “ Yes!” ngiti nito. “ ayoko Ibody shot si Ren bang sungit nyan eh.” saad nito saka tumayo.

Just For A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon