Chapter 24

281 9 0
                                    


          “ The worst thing about being lied is knowing that to that person, you weren’t worth the truth.”

SI JOSEPH

           Minsan naghahanap tayo ng mga bagay na wala, mga bagay na imposibleng makuha or mga panahon na imposible ng maibalik. Humihiling tayo na mahila pabalik ang oras. Humihiling na sana maulit ang isang bagay, na maibalik ang nakaraan. Masasayang ala ala na gusto ulit maranasan, mga pagkakataon na sana hindi napalampas. Mga oras na sana hindi lang basta lumipas bagkus lumipas na may kahulugan pero di ba kahit anong gawin natin.. Imposible yun. Sobrang imposible.

           Pero hindi man pwede maulit ang mga masasayang ala ala.. pwede tayo gumawa ng mga bago, mas makahulugan at higit sa lahat mas masayang alaala. Hindi humihinto ang oras, hindi tumitigil ang panahon, tuloy sa pagikot ang mundo at sa bawat pagikot nito, isang bagong alaala ang nabubuo. Mga alaalang di man pwedeng balikan pero mananatili na sa mga puso natin.

           Maikli lang ang buhay... Don’t live in time.. Live in moment and make sure that every moment count. Make that moment a good one.

           Isang ngiti lang yung pinakawalan ko pagsakay namin sa elevator ni Chris. Buong araw kaming tatlo magkakasama. Namasyal, nagshopping, kumain ng ice cream kahit bawal. Haha. Pumunta rin kami sa bahay niya, pinakilala yung mga maid, pinakita yung mga pictures nila ni daddy.

           Kanina, Mas nakilala ko si mommy. Mas nakilala ko yung taong nagluwal sakin. Alam ko sobrang mahal ako ni mama pero mahal din ako ni mommy at napakaswerte ko kasi binigyan ako ng dalawang ina na minahal ako ng sobra.

           “ Masaya ka?” lingon sakin ni Chris.

           “ Sobra.” ngiti ko saka hinawakan yunng kamay niya naramdaman ko naman yung pagpisil niya sa palad ko.

           “ Masaya ako na you’re happy.”

           “ Chris sana magkaayos rin kami ng mommy mo noh?”

           “ Ipinagdadasal ko din yun eh.”

           “ haixt.. Ang seryoso ko.” natatawang saad ko saka binitawan yung kamay niya. “ basta masaya ako at bawal kontrahin yun.”

           “ Kinokontra ko ba?”

           “ Hindi.. Pero kung may plano ka back off.” ngiti ko. Bumukas naman yung elevator. Nauna lang akong lumabas. Nang lingunin ko sya nakita ko lang na di sya lumabas ng elevator. “ what halika na?”

           “ Hilahin mo ko.” ngiti niya.

           “ fuck you!?” ngiwi ko saka tumalikod, hindi ko naman naramdaman na sumunod sya. Hanggang sumara yung elevator. Napakamot naman ako sa ulo.  Haixt. Arte!

           Bumaba lang sa ground floor yung elevator hanggang makita ko na paakyat na uli to. Nakasimangot naman akong inabangan yung pagbukas nito. Haixt babatukan ko talaga yun.

           Pagbukas nito kumunot lang yung noo ko ng makita yung kasama ni Chris.

           “Bro.” ngiti ni Paul. “ naglalaro kayo?”

           “ hindi ah.. Halika na nga ang arte mo.” hila ko kamay ni Chris. Natawa naman si paul. “ arte mo Chris.”

           “ Gusto ko lang maramdaman na hindi ako yung hinihintay mo.. Na ako yung naghihintay sayo.” saad niya pagtapat namin sa pinto.

           “ what?”

           “ Wala lang.” ngiti niya.

           “ Ewan ko sayo Chris.” saad ko saka binuksan yung pinto. Sumunod naman sya sakin. “ ano ba sinasabi mo Chris?”

Just For A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon