Chapter 16

302 10 0
                                    

CHAPTER 16

               “ hindi masamang mahalin mo sya. Ang masama lang ay yung pinipilit mong mahalin ka rin niya.”

SI JOSEPH

            Minsan kahit gustong gusto nating hilingin, life doesn't come with a rewind or a pause button and can only be lived moment by moment. We must do our best then to embrace each moment as it comes. Celebrating each and every one of them. Cherishing the moments of love we give and the moments of joy we share. Learning from our moments of pain and grow from our moments of failure.

            To make every moment count.

            Nakaka-miss yung mga bagay na ginagawa ni Mama. Gesture, Foods, Smiles.  Yung mga pagkain na niluluto niya or kahit sandwich lang.. kahit coffee or even glass of water na hinahanda niya para sakin. I know it’s simple I know it’s common but for me Lahat ng niluto niya for me it carries a certain taste of memories.

            “ Bye ma.” bulong ko paglaglag ko ng puting rosas sa hukay habang binaba yung kabaong ni mama. “ bye mama.” hindi ko lang mapigilang umiyak ng mga oras na yun. Ito na talaga yun Yeah hindi na sya babalik pero hindi sya mawawala sa puso ko. Forever.

            Ito na yung simula ng mga panibagong chapter ng buhay ko. Chapters na di na magiging bahagi si mama. Haixt miss you mom.

            Nakaalis na lahat ng nakipaglibing nun pero nanatili kami ni chris dun sa libingan ni mama. Nakaupo lang ako habang hinihimas yung lapida kung saan nakalagay yung pangalan niya.

            “ Chris yung nagbuhat ng kabaong ni mama kawawa naman noh.?” pilit na ngiti ko kay Chris natawa naman sya.

            “ Gago ka talaga Joseph.”

            “ Sabi kasing magdiet sya eh.. Nahirapan tuloy yung mga nagbubuhat.”

            “ Hanggang huli nilalait mo parin si Tita Myrna.”

            “ Inaantay kong kurutin niya ko eh.. Wala naman akong maramdaman.” natatawang saad ko. “ Ma ingat ka jan huh and please guide me.. Dadalawin kita lagi dito promise yan kaya stay put ka lang jan sa ilalim.” saad ko.

            “ fight fight fight.?” ngiti ni Chris tumango naman aako.

            “ fight. May angel na ko eh. Dambuhalang angel nga lang.” natatawang saad ko saka tumayo nilahad naman ni chris yung kamay sakin.

            “ Let’s go.?”

            “ San tayo pupunta.?”

            “ Vacation.. Puerto.?” ngiti niya.

            “ puerto.?”

            “ Yap.. Tara..” saad niya umiwas naman ako ng tingin.. Shit. “ ano tara na.?”

            “ Uhmm kasi..” simangot ko pero hinila niya lang ako.

            “ Chris naman eh..”

            “ Let’s go..” ngiti niya hanggang makarating kami sa tapat ng kotse. “Kailangan mo ng vacation Joseph para humupa naman yung pamamaga ng mata mo.. Wala ka ng ginawa kundi umiyak eh.”

            “Sasaktan mo lang ako eh.”

            “hindi yan..” saad niya saka binuksan yung kotse. Sabay lang kaming napalingon ng makita namin yung Limousine na paparating hanggang pumarada to sa likod ng kotse.

Just For A MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon