♥ Chapter 1 ♥

13 0 0
                                    

 Ang hirap ng buhay ngayon, lalo na kapag napasama ka pa sa mahirap na pamilya at kayong dalwa nalang ng nanay mo ang nakikipagsapalaran sa buhay. Nagtratrabaho sya bilang katulong sa isang mayamang pamilya at ako naman ay isang working student na may iba't ibang uri ng part time job. Araw -araw meron kaming hinaharap na problema tulad ng bayarin at singil dito singil dun, pero naayos naman at nagagawan agad namin ng paraan.

"Elaineee order for table no.3." Sigaw ni Sir. Andy

"Yes Sir."

.

Hayyy ! Part time job agad ang bumubungad sakin tuwing umaga, nagtratrabaho kasi ako sa isang Cafe at dalwa lang kaming trabahador dito si Sir. Andy sa pagaayos at pagdidisplay ng lugar pati lagi syang bantay sa pera, ako naman ang taga kuha ng order sa cashier, taga serve at taga linis tuwing gabi. Whole day ako sa cafe pag weekends, pag may pasok na tuwing hapon nalang ako after school hanggang 7:00 PM.

"Bat sobrang tagal. Kelangan ata palitan ka ah." Narinig ko nung nahanap ko na ang table no.3

"Yah. Kelangan ko ng trabaho no. Kelan ka pa umupo?."

Best friend ko nga pala na si Henry Castro halos kalahati ng buhay namin ay magkasama na kami, palabiro at matalinong tao. Sobrang TALINO ! Dito kasi sya nagrereview eh tuwing may spare time at tumatambay nadin.

"About 5 minutes ago. Hindi kasama ang 10 minutes ng paghhitay na kunin ang order ko."

"Tsss ! Sorry po. Alam mo naman na marami akong ginagawa."

"Yeah, i know. Ilan ba ang part time job mo sa ngayon huh ?."

"Tsk. Nasingit mo pa yu-----."

"Hoy ELAINE ! Bat kausap mo boyfriend kooooooooo." Dumating na pala si girlfriend

At ayan na pala si Star Reyes ! Ang maganda at mayaman na girlfriend ni Henry may ari ng isang sikat na etairtament channel actually na-iinis sya sakin kasi mas marami pa daw akong alam tungkol sa buhay ni Henry kesa sakanya. Selosa at sobrang mahal na mahal si Henry. Kaya minsan iniinis ko nalang lalo. Hahaha !

"Hayyy, wag mo na nga sayangin ang oras ng isang busy na tao." Binabanggit ko ang sarili ko

 "Ikaw ang nagaaksaya dahil nakikipag usap ka sakanya na dapat nagtratrabaho ka nalanggg."

 "Sa palagay mo ba maganda ako ?." Di ko na papatagalin

 "Bat mo natanong, may sinabi ba ako. Syempre HINDI." Mabilis nyang sagot

 "Kaya wag kana magselos dahil maganda at mayaman na tulad mo ang type ng bestfriend ko ! Ngayon kung oorder ka pakibilisan nalang kung hindi pwede na kayo makaalis."

 "Huh ? Pwede mo ba gawin to sa customer dito ?." Pataka at inis nyang tanong

Nakatingin at nakikinig lang si Henry sabay ngumiti kasi alam nya naman na iniinis ko lang tong si Star. Minsan kasi kelangan din nya maging komportable sakin eh ! Tss. hindi pwedeng ganan sya lagi eh. SELOS DITO SELOS DUN !

"Hayy ! Tera na nga Henry wag natin i-celebrate sa lugar na toh." Sabay hawak kay Henry sa braso

"Huh ? Celebrate ano meron ?."Tanong ko kay Henry na-curious kasi ako eh, parang naglilihim na ngayon sakin ang guy bestfriend ko ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Life is messy. Love is messier !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon