CHAPTER 1

28.2K 202 8
                                    

NANLULUMONG tinititigan ni Jenneliza ang nasira niyang laptop. Hindi niya pwedeng isisi kanino man kung bakit iyon nasira dahil siya mismo ang may kasalanan. Nadaganan niya ito nang marinig ang magandang balita mula kay Lovely.

Bago pa man tumawag sa kanya ang kanyang best friend upang ibalita na tinanggap na ng A & C company ang application niya bilang apprentice ay abala siya sa pagsusulat ng kanyang nobela. Sa sobrang saya ay nakalimutan niyang nasa kama pa pala ang kanyang laptop.

Maliban kasi sa pagiging manunulat ay nag-aaral din siyang maging director. Kung ang iba ay passion at pangarap ang basehan sa pagpili ng kurso, siya lang yata ang naiiba. Dahil nag-aaral siyang maging director upang makasama ang lalaking pinapangarap niya. Ang lalaking nagligtas sa kanyang buhay. At ang unang nagpatibok sa kanyang napakabatang puso. First love niya ito aside from writing, at sa tingin niya ay panghabang-buhay na niya itong mamahalin just like how she loves to write. Bukod sa naniniwala siya na may forever, ay naniniwala rin siyang mapapansin siya nito kapag pareho sila ng nature ng trabaho.

She already imagines the future with him. Gagawa sila ng magandang pelikula na silang dalawa ang magdidirek. They'll be celebrating their victory. Drinking the sweetest wine and dancing all night under the beautiful moonlight. At ang ilaw na iyon ang magsisilbi nilang spotlight.

Napapasayaw siya sa naiisip at nakalimutan niya saglit ang niyayakap na sirang laptop.

Dahan-dahan niyang inilapag ang gamit sa kanyang side table. Gustong tumulo ng luha niya sa lungkot at pagkainis na rin sa sarili ngunit naisip niyang 'there's always a rainbow after the rain' at naalala niya rin ang katagang nabasa noon 'that happiness and sadness run parallel to each other. When one takes a rest, the other tends to take up the slack'.

"Dito ka na lang muna 'ha," aniya at hinimas-himas ang laptop. "Ipapaayos din kita pero sa ngayon matulog ka muna ng mahimbing. Aayusin ko muna sarili ko para sa future ko, sa future natin," dugtong niya at pinagmasdan ang sariling repliksyon sa hindi kalakihang salamin na nakadikit sa pader.

Malapad ang ngiti niya at nakikita niya ang kagandahang dulot nang magandang balita na iyon. Kahit ang kapalit ng balitang iyon ay ang pagkasira ng kanyang laptop ay ayos lang sa kanya. Masaya siya dahil makikita na niya nang malapitan ang binata. Hindi na siya sisingit sa ibang taong gustong makakita ng artista para lang matingnan ito. Hindi na rin niya kukulitin si Lovely para malaman kung saang lugar magsho-shoot ang mga ito At higit sa lahat hindi na siya magmumukhang stalker sa pagsunod-sunod niya dito.

"Malapit ka nang makilala ni Johhans," patiling sabi niya sa sariling repliksyon na sinabayan pa niya ng pagtatalon.

Pinagpatuloy niya ang pagtalon-talon hanggang sa makarating na siya sa loob ng banyo. Balak niyang makipagkita sa kaibigan upang pasalamatan ito ng personal sa magandang balita nito at magpapasama rin siya sa parlor. Mahaba na ang kanyang buhok kaya gusto niya itong ipagupit. And she will donate it to those cancer patients who needs a false hair. Gaganda na siya makakatulong pa siya sa mga nangangailangan. Double purpose!

Abala siya sa pagsasabon ng katawan nang marinig ang boses ng kapatid niyang si Janine. Sa lakas ng boses nito ay sigurado siyang nasa loob na ito ng kanyang silid.

"Ate Jen, may sulat para sa 'yo."

Hindi niya pinansin ang kapatid. Wala siyang pakialam sa mga sulat dahil puro babayarin lang naman ang mga iyon. 'Di importante at walang nakaka-good vibes sa mga papel na iyon, palaging pang-bag vibes ang dala ng mga puting sobreng iyon sa kanya kaya sa halip na tanungin kung kanino galing iyon ay pinagpatuloy na lamang niya ang pagliligo.

"Galing kay Johhans Santimaier, ano gagawin ko rito?"

Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ang sinabi ng kapatid. Sinirado niya ang gripo upang marinig ng maayos ang sasabihin nito.

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon