CHAPTER 3

7.4K 84 1
                                    


KINABUKASAN ay maaga ang kanilang call time. Sa parehong lugar pa rin kukunan ang eksena kaya kailangan nilang makarating doon na hindi pa sumisikat ang araw dahil marami pa silang kukunan.

Buong araw silang tinukso ng mga kasama nila kaya hindi natapos ang eksenang dapat ay kukunan sa araw na iyon. At dahil sa mga panunuksong iyon kaya nalaman na wala pala talaga itong nobya. Subalit bago pa man ang tuksuhang iyon ay umamin na si Lovely na gawa-gawa lang nito ang storyang iyon para makapag-concentrate siya sa pagtatrabaho, pero nagkamali ang kaibigan sa ginawa nitong hakbang. Imbes kasi na makagpag-concentrate ay nawalan siya ng control sa sarili. Napasugod siya sa eksenang akala niya ay totoo.

Sino ba naman ang makakapag-isip na eksena lang pala ang pag-uusap nang dalawa kung ang pinag-uusapan nito ay tungkol sa pagyakap ng isang babae kay Johhans na totoong nangyari naman kaya hindi siya masisisi kung nagawa niya ang biglang pagsingit.

Napahaplos siya sa kanyang pisngi nang maalala ang nangyari kahapon. Nararamdaman a rin niya ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ngunit napawi iyon sa magandang balita na ibinalita ni Max sa kanya. At ang balitang iyon ay ang pag-approve ni Johhans na isama siya sa mga staff sa ginagawa nitong pelikula. Ibig sabihin ay ito mismo ang magiging trainer niya sa pagiging director. At makakasama niya ito hanggang sa matapos ang project nito. Hindi na siya mamomoblema kung papaano mapapalapit dito dahil tinutulungan na siya ni Universe. Lalo tuloy lumakas ang paniniwala niya na sila talaga ang tinadhanang dalawa.

Kinuha niya mula sa bag ang kanyang maliit na notebook. Palagi niya iyong dala-dala para ipa-remind siya na dapat ay maisagawa niya kahit isa lang sa mga goals niya para panaluhin ang puso ni Johhans.

Isinandal niya sa may bintana ang kanyang ulo bago binuklat ang ilang pahina.

Step 2: Dapat makapag-usap kayong dalawa at humingi ka ng remembrance.

Nasa gitna siya ng pag-iisip kung papaano niya gagawin ang pangalawang hakbang na iyon nang maalala na muntikan na pala niya iyong magawa. Nakausap na niya ito kahapon ngunit ang problema lang ay hindi siya nakahingi ng remembrance mula rito.

Sayang!

Mayamaya lang ay napangisi siya nang may biglang sumulpot na magandang ideya.

"In fairness girl, para ka ng baliw," komento ni Max, kanang kamay ito ni Johhans. Kagaya ng ibang kababaihan ay may amor din para rito ang mga lalaki. For short, bakla ito.

Naging kaibigan niya ito dahil bet daw nito ang ginawa niyang pagsalo ng sampal kahapon.

Bahagya itong lumapit sa kanya at tinangkang basahin ang nilalaman ng kanyang notebook ngunit hindi ito nagtagumpay. Mabuti na lang at mabilis niya iyong naitiklop at nailagay sa kanyang bag, kung hindi ay baka mapahiya ulit siya.

"Ano iyon? Diary mo ba? O baka listahan ng utang?"

"Hindi ako mahilig magsulat ng diary. Plot lang iyon sa ginagawa kong nobela." Pagsisinungaling niya rito na pinaniwalaan naman nito.

"Di ba apprentice ka bilang director?"

Tumango siya. "Oo, pero bago ko paman nadiscover na gusto ko pa lang maging isang director eh nauna na ang pagiging manunulat ko."

"Ang galing! Writer tapos director. Ikaw na talaga girl."

She just smiled at him. Ang pagsusulat ng nobela talaga ang unang priority niya pero alang-alang sa binata ay isiningit niya ang pagiging director. Bukod sa pangarap niya itong makasama habang-buhay ay pinangarap din niya na makasama ito sa paggawa ng isang magandang pelikula.

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon