CHAPTER 8

14.2K 181 106
                                    



MAGDADALAWANG linggo mula no'ng dinala siya ni Johhans sa bahay nito. Ipinakilala sa mga pamilya at kaibigan nito. Nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa kanya. Kung noon ay mukha itong parating galit ngayon ay iba na ang aura nito. Siya kaya ang dahilan niyon?

"Mangarap ka," sabi niya sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.

Tinatahak niya ang daan papuntang sakayan ng dyep. Pinakiusapan siya ni Max na samahan ito sa pamimili ng damit na susuotin nito sa gagawin nilang party. Pumayag naman siya dahil kailangan din niyang bumili ng bagong damit para sa especial na okasyon na iyon.

Gagawin niya sa araw na iyon ang pagtatapat niya ng pag-ibig kay Johhans. Hindi na niya susundin ang nakasulat sa kanyang notebook.Ayaw niyang sayangin ang magandang pagkakataon na iyon. She will be celebrating her Christmas eve with her co-workers. At dahil doon ay isasakrapisyo niya ang pagdidiwang ng pasko kasama ang pamilya.

Naisip niyana magandang mag-confess sa araw na iyon dahil ang sabi ng isang kantang narinig niya ay give love on Christmas Day. Walang puso naman siguro si Johhans kung iba-basted siya sa araw pa ng kapanganakan ni Hesus. Labanan na iyon ng konsensiya at tigas ng puso.

"Going somewhere?"

Napatalon siya ng bahagya nang marinig ang boses na iyon ni Johhans mula sa kanyang likuran. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito.

Nahigit niya agad ang hininga nang muling makita ang gwapong mukha nito. And just like always, her heart started racing. He smiled at her. Lumapit ito sa kanya. Parang nanliit siya nang tingalain niya ito. He was towering over her.

"Huh?"

"I said, where are you going?"

"A..." tumalikod siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hinawakan siya nito sa kamay at pinigilan. Pinaharap ulit siya nito.

"You didn't answer my question and now you're leaving?"

"A..." aniya ulit na para bang nahihipotismo ng mga titig nito sa kanya. "Sa mall, sasamahan si Max, bibili ng damit."

"Tell him that you can't come."

Nawala ang bisa ng hipotismo nito sa kanya.

"Bakit naman po?"

"You're going with me."

"Saan naman?"

"Don't ask,just text him that you can't come, okay?" inalabas nito mula sa bulsa ang cellphone nito at ibinigay sa kanya. "Use this one."

Wala sa wisyong tinanggap niya ang cellphone at tinext ang kaibigan na hindi niya ito masasamahan. Naghintay siya sa reply nito at hindi naman nagalit o nagtampo ito. Kaya sasama na lang siya kay Johhans. Wala naman siyang magagawa dahil hawak nito ang kanyang kamay, kanina pa hanggang sa makaupo silang dalawa sa kotse nito.

"Kuya sa mall." Utos nito drayber.

"Sa mall? Sana hindi ko na lang sinabi kay Max na hindi ako makakapunta ng mall." She pout. "Doon lang naman pala destinasyon natin."

"There's a lot of mall in the Philippines Jen, so don't expect na magkikita kayong dalawa ni Max."

"Ano ba ang gagawin natin sa Mall?"

"Date."

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa kamay nito.

"Magdidate tayo?"

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon