CHAPTER 9

928 23 0
                                    


"HELLO," sagot niya sa tumawatag sa kanya. Unregistered number ang tumatawag sa kanya. Nakailang missed calls ito kaya napagpasiyahan niyang sagutin kahit hindi nakaregister sa phone book niya.

"Ate Jen!" patiling usal ni Joanna.

"Joanna?"

"Yes po, salamat naman at sinagot mo na ang tawag ko."

"Unregistered kasi kaya hindi ko sinagot." Humigopsiya ng kapeng tinimpla. Tatlong linggo siyang nagfile ng leave of absence dahil hindi pa niya kayang makita si Johhans sa trabaho.

"Bakit ka napatawag?"

"I missed you kasi at iimbitahin kita sa birthday party ko."

"Birthday mo? Kailan?"

"Sa Monday, pumunta ka 'ha."

Ibinaba ni Jen ang tasang hawak at nag-isip-isip kung ano ang sasabihin sa kay Joanna. Kung pupunta siya sa birthday party nito tiyak na makikita niya si Johhans. Hindi pa siya tapos sa pagmomove-on kaya 'di niya dapat makita ang lalaki. Baka sa halip na magmove-on siya ay aasa ulit siya. Makakalimutan niya na kailangan pala niyang magmove on.

"Sorry Joanna, pero kasi... kasi may lakad ako niyan kasama kapatid ko."

"Ate Jen, I've already talk to Janine, and she's also invited kaya pumunta ka."

"P-paanong"

"She's my friend and I didn't expect na kapatid ka pala niya, what a small world no?"

"Talaga?"

"Yep, so pupunta ka na?"

"Joanna kasi"

"Magtatampo ako sa 'yo kapag hindi ka pumunta."

"Joanna."

"Bye po."

Napatingin na lamang siya sa screen ng kanyang cellphone. Binabaan na siya nito ng tawag. Hindi man lang niya nasabi dito ang totoong dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa party nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Gustuhin man niyang huwag pumunta ay ayaw naman niyang magtampo ang dalaga sa kanya. Kaibigan niya ito at tinuturing siyang kapatid, sisirain ba niya iyon dahil lang hindi siya minahal ng kapatid nito?

Tumunog ulit ang kanyang cellphone. Isang unregistered number ulit. Agad niya itong sinagot.

"Ihanda mo na ang sarili mo."

"B-bakit?"

At naputol na ang tawag. Si Max iyon. Tiningnan niya sa contacts niya ang cellphone number nito. Na-i-save naman niya sa contacts ang number nito.

"Knock!Knock!" boses iyon ni Max.

Dali-dali siyang tumakbo papuntang pintuan para pagbuksan ito. Nakangiti si Max sa kanya pagbukas niya ng pintuan. Sinalubong din siya ng yakap nito.

"Bakit ka nandito?" tanong niya kay Ruin na nasa likuran ni Max.

Kumalas sa pagyakap si Max. "Boyfriend ko teh!"

"Ambisyosya teh?" pang-iinis niya dito. "Bakit nga pala kayo nandito? At bakit ka napatawag kanina?"

"Pinapasundo ka ni Joanna for her birthday party." Si Ruin na lumapit at hinalikan siya sa pisngi.

"Monday pa birthday niya hindi ba?"

Tumango ang dalawa.

"Monday na bukas teh."

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon