CHAPTER 10

1.8K 54 4
                                    


MAGHAHATING gabi na ngunit naroroon pa rin siya sa pool area at inilublob ang paa sa malamig na tubig ng pool. Nais niya sanang makapagkwentuhan sa iba ngunit nalasing na ang mga ito lalo na si Janrey. Wasak kasi ang puso kaya lumaklak ng alak hanggang sa hindi na kayanin ng katawan. Si Joanna at Ruin naman ay gusto nang matulog kaya hindi na niya inabala pa ang mga ito. Napagod kasi sa party ang dalawa.

Nais niya ring mapag-isa upang magkapag-isip-isip. Sa nangyari ay may isang bagay siyang nadiskubre sa sarili. She's not afraid of falling in love but she's afraid of getting hurt.

Nasaktan na siya, magpapatuloy pa ba siyao aatras na lang siya ng tuluyan? Bibigyan kaya niya ng second chance ang pagmamahal niya kay Johhans o tuluyan na siyang susuko? Ang sagot ay malaking 'Oo', she will give him a chance dahil sa sinabi ni Ruin sa kanya. Sa tanong kung susuko na siya, depende ang kanyang sagot. Ayaw niyang magsalita ng tapos baka mailunok lang niya iyon.

"Thinking of me?"

Agad na sumirko ang puso niya nang marinig ang boses ni Johhans mula sa kanyang likuran. Hindi niya inaasahan na makita o marinig ito sa mga oras na iyon. She needs time to contemplate.

"Papaano mo nalaman?" she asked without giving him a glance. Bigla siyang kinabahan sa presensiya nito.

"I... I'm sorry Jen." Sincerity is visible in his voice. His voice gave her the urge to turn to him. Gusto niyang makita ang mukha nito.

Lumunok siya. "Sorry for what?" aniya sabay lingon dito.

"Sorry if I hurt you?" sagot nito. Nakatayo lang ito roon, tinstantiya kung lalapitan ba siya o hindi.

Pilit siyang ngumiti rito. "Hurt me? Wala ka naman ginawa ha."

"Really?"

Nang makita niyang agad na nagningning ang mga mata nito ay parang gusto niyang lunurin ito sa pool upang matauhan. Manhid nga siguro ito.

"Yup." aniya at itinuon ulit ang tingin sa paa na nasa pool. "Manhid," bulong niya ng mahina.

"Akala ko may nagawa akong kasalanan sa 'yo, may sinabi kasi sa akin si Ruin."

Naibalik niya agad ang tingin dito. "May sinabi siya?"

Tumango ito.

Parang nakaramdam siya ng pinaghalong kaba at saya sa sinabi nito. "A-anong sabi niya?"

"He told me that I should say sorry to you."

"Iyon lang?" dismayado niyang tugon. Akala pa naman niya ay may magandang idudulot sa love story niya ang sinabi ni Ruin dito.

Naglakad si Johhans patungo sa direksiyon niya at tumabi sa kanya.

Napahawak siya sa kanyang dibdib.Lumakas na naman ang tibok niyon.

"Close na kayong dalawa?" biglang tanong nito at inilublob din ang paa sa tubig.

"Siguro? Mabait kasi siya tapos magaling magbigay ng advice. At saka palakwento rin kaya medyo naging close ko na siya kahit hindi kami ganoon katagal na magkakilala."

Patlang. Nag-iwas uli siya ng tingin.

"So what do you think about him?" mayamaya ay tanong nito.

Bakit ba nila pinag-uusapan si Ruin? Diba dapat "sila" lang ang pag-usapan nila ngayon?

Bumuntong-hininga siya. "Nasabi ko na kanina."

"Kung liligawan ka niya may pag-asa ba siya sa 'yo?"

Kunti na lang at tuluyang na siyang maiinis sa klase ng mga tanong nito. Ano ba aksi ang gusto nitong mangyari? Irereto ba siya nito sa kaibigan? Ni hindi nga niya gusto si Ruin eh! Bakit hindi man lang nito na-realize na ito ang gusto niya at hindi ang kaibigan nito? Nakakaurat ang pagiging manhid nito.

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon