CHAPTER 4

6.2K 91 0
                                    


NAISAGAWA niya ang dalawang sunod-sunod na hakbang sa loob lamang ng kalahating araw. At may bonus pa siyang isang matamis na halik mula rito.

Step 2: Dapat makapag-usap kayong dalawa at humingi ka ng remembrance.

Step 3: You should convince him to drink a milk.

Abot hanggang tainga ang ngiti niya habang inaalala ang pag-accomplished niya sa steps na iyon. She never thought that these steps will be easier. Akala niya ay mahihirapan siya sa pagkumbinsi na painumin ito ng gatas pero nagkamali siya. Salamat sa na-sprain niyang paa. May maganda dulot naman pala ang pagiging clumsy niya paminsan-minsan.

Napatingin siya sa namamagang paa at binalingan ng tingin si Johhans na nakatalikod mula sa kanya. Kanina pa niya ito pinagmamasdan at inoobserbahan kung papaano ito bilang isang direktor.

Hindi na bago sa kanya ang pagiging seyoso nito lalo na pagdating sa pagtatrabaho. Kahit hindi niya ito palaging kasama ay alam niya ng kaunti ang ugali nito. He's a perfectionist especially in taking important scenes. And everyone can see it through his successful works in the big screen. Kaya hindi na siya nagtataka kung ganoon ito katutok sa kinukuhang eksena ngayon.

Tumayo siya kinauupuan upang lapitan sana ito ngunit hindi pa siya nakakahakbang ay sumigaw na ito ng "cut". Nais pa naman niya sanang makita kung ano ang pagkakaiba ng eksena kung titingnan niya ito sa director's monitor at sa live.

"Nice take! Let's take a quick break. After that, iyong ibang scenes naman ang kukunan natin," anunsiyo nito gamit ang megaphone.

Nanatili siyang nakatayo upang batiin si Johhans. Nakahanda na rin ang ngiti niya para rito.

"Hi," bati niya nang makalapit sa kanya ang binata.

"Hi." Ganting bati nito sa kanya at bahagyang ngumiti. "And why are you standing there?"

Binalingan nito ng tingin ang kanyang namamagang paa.

"Didn't I told you to just sit down?"

Napakamot siya sa kanyang batok. "Makikisilip kasi sana ako kanina sa monitor pero sumigaw ka na ng cut." Ngumuso siya. "'Di ko na tuloy nakita."

Pagkasabi niya niyon ay tinitigan siya nito. Then he let out a sigh. "Later... you can sit beside me."

"Talaga?" nanlaki ang mga mata niya sa saya.

He nodded. "You need to know what the director does because it will be your future job, right?" Nameywang ito. "You applied for the apprenticeship program of A & C Company to learn. And my job is to teach you how to make good movies. At dahil ako ang naka assign na magturo sa 'yo," tumikhim muna ito bago nagpatuloy, "dapat ay nasa tabi kita palagi."

Napangisi naman siya sa sinabi nito, lalo na sa dulong bahagi. "Ay mas bet ko iyong huli mong sinabi, kahit forever pa."

"Don't put any malice to everything I've said. It's all about the work, no personal intentions," sabi nito sa seryosong boses, pero nanatili pa rin ang malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Pinalo niya ito ng mahina sa braso. "Malisya? Walang malisya iyon sa akin."

Sinong niloloko niya na walang malisya ang mga sinasabi nito sa kanya? Lalo tuloy niyang nilalagyan ng malisya ang bawat sasabihin nito dahil sa biglang paghalik nito sa kanya.

Mamaya ay may naalala siya.

Chance!

"Pahingi ng cellphone number," aniya rito at inilabas mula sa sling bag ang kanyang cellphone.

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon