CHAPTER 7

5.1K 67 0
                                    


"IF THAT will happen, would you like to grow old with me?" paulit-ulit na sinasabi ni Jen kay Joanna ang mga katagang iyon.Kanina pa silang dalawa sa silid nito at nagkukwentuhan.At sa tuwing sasabihin niya ang tanong na iyon kay Joanna ay napapatili ito sa kilig.

"Ano ang sagot mo sa tanong ni Kuya?"

"Wala akong naisagot."

"Psh, bakit?"

"Kasi nagulat ako sa tanong niya. At kahit hindi ko iyon sagutin alam kong alam na niya ang isasagot ko."

"Papaano kung mali ka pala." Pinulot ni Joanna ang nahulog na unan at niyakap iyon. "I mean... iyong... hindi ko maexplain," anito at ngumiti.

"Ang gusto mong sabihin ay... baka iyong sagot ko at ang nasa isip ni Johhans ay magkaiba? Kaya kailangan kong sabihin sa kanya na,yes, I'm willing to grow old with him?"

"Oo iyon, kasi 'di ba nami-misunderstood natin iyong mga action ng ibang tao. Feeling natin mutual ang feelings, hindi pala."

"You have a point."Inayos niya muna ang yakap na unan bago nagpatuloy. "Pero grabe naman kamanhid ng Kuya mo kung hindi pa niya ramdam na gustong-gusto ko siya, 'di ba?" She gave Joanna a smile.

"Pero mas maganda kasi iyong sinasabi mo at ipinapakita rin sa kanya that you love him."

"Sige na nga, sasabihin ko na sa kanya mamaya that I am willing to grow old with him. And I'm willing to wait for him to fall in love with me," kilig na kilig na tugon niya. Iniimagine pa lang niya ang mangyayari ay kinikiliti na ang kanyang puso.

"Yehey!" bulalas nito at niyakap siya ng mahigpit.

Napakalas sila sa pagyayakapan nang biglang bumukas ang pinto at ang gwapong imahe ni Johhans ang bumungad.Napatayo si Joanna. Siya naman ay nanatiling nakatitig sa lalaking papalapit sa kanila.

"So, what are you two doing here?"

Tumabi si Joanna kay Johhans at umangkla sa braso nito. "We're just having a girl bonding," sagot nito.

"So mas pinipili niyo pa ang magbonding na kayong dalawa lang kaysa sa samahan kami sa baba?"

"Hindi naman sa gano'n Johhans, may pinag-usapan lang kasi kami na 'for girls only' kaya nandito kami," sabi naman niya sa lalaki.

"At sa tingin ko ay may pag-uusapan din kayong dalawa, so, mauuna na ako sa baba." Paalam ni Joanna at iniwanan silang dalawa sa loob ng kwarto.

Tahimik sa buong kwarto. Ang malakas na tawanan lang ng mga lalaki sa baba ang tanging ingay na naririnig nila.

Kinagat niya ang ibabang labi para makapag-isip ng sasabihin dito pero wala siyang maisip. Si Johhans naman ay tumungo sa may balkunahe ng kwarto at tinanaw ang mga kaibigan na nasa pool area pa rin. Nakatingin lang siya sa likuran ng binata. Papaano ba niya sasabihin dito na she's willing to wait for him?

"Jen..."

"Johhans..."

Sabay nilang usal kaya napabaling ng tingin sa kanya si Johhans.Their eyes meet. Nagninigning ang mga mata nito. Kasing ningning ng mga bituin sa langit. Ngumiti siya rito habang si Johhans naman ay naglakad papalapit sa kanya.

"Tungkol sa tanong mo kanina..."

"That one? It's just a joke don't mind it."

Nakaramdam siya ng pagkirot sa puso niya nang marinig ang sinabi ng binata. Sayang lang pala ang kilig niya kung joke lang pala ang sinabi nito kanina. She's disappointed,pero tumawa pa rin siya. Ayaw niyang sabihin dito na nasasaktan siya dahil do'n. So the best thing to do is laugh.

So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon