MAKIKITA sa mukha ni Jen ang kasabikan sa unang araw niya bilang apprentice sa kompanyang pinagtatrabahuan ni Johhans. Lahat ng mga nakakasalubong niya ay binabati niya ng magandang umaga at nginitian kahit hindi niya ito kilala.
She's happy because they will be working under one roof. At kung pagpapalain ay baka ito pa ang magti-train sa kanya. If that will happen, she will be the happiest person in the universe. And speaking of universe, mukhang tinutulungan na siya nito ngayon. Pinapalapit talaga silang dalawa ni Johhans.
Tumigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang lalaking papalapit sa kanya. Ang tanging lalaki na kapag nakikita niya ay bigla siyang nagiging bato.
Jenneliza Perez huwag ka munang maging bato please, aniya sa isip.
Pinigilan niyang huwag manigas katulad ng sinabi niya sa sarili kanina dahil pagkakataon na niya itong mabati sa unang pagkakataon ang lalaki. Bago niya ito batiin ay yumuko muna siya upang ayusin ang sarili. Inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga saka tumingala ngunit bigla itong nawala.
Napatingin si Jen sa harap, likuran at gilid pero hindi niya ito nakita. Kahit ang anino nito ay wala. Nailagitik na lamang niya ang kanyang dalawang daliri at napasimangot. She missed the opportunity to greet him a good morning. Kung alam lang niyang mawawala sa paningin niya ang lalaki sa ginawang pagyuko ay sana hindi na niya iyon ginawa, kaya sa susunod na pagtatagpuin ni Universe ang kanilang landas ay sisiguruduhin niyang hindi na niya aalisin ang paningin niya sa binata.
Marahil ay magpinsan silang dalawa ni The Flash. Ang bilis niyang nawala, aniya isip.
Napalitan ng ngiti ang kaninang nakasimangot niyang mukha. Naisip niya na isa lang ang pagkakataong iyon sa isang libong pagkakataon niya na magpakilala dito at pasalamatan ito sa pagtulong nito sa kanya noon. Marahil ay hindi iyon ang tamang panahon para makilala siya nito. God always has his on ways and she trusts him. Alam niyang may magandang lugar at panahon na ginawa ang panginoon para sa kanilang dalawa.
"Jen!" tawag sa kanya ni Lovely.
Lovely is also working at A & C kaya siya nakapasok dahil sa tulong nito kaya habang-buhay niya itong pasasalamatan sa ginawa nito. Hindi lang siya nito tinulungan na matupad ang kanyang pangarap, tinulungan din siya nitong mapalapit sa taong naging dahilan kung bakit niya pinapangarap na maging director. At ang taong tutupad sa lahat ng kanyang pangarap.
Kinawayan niya ang kaibigan at patakbong lumapit dito ngunit sa kamalasan ay may nabunggo siyang isang lalaki base na rin sa naanig niyang pigura. Napaupo siya sa sahig sa lakas ng pagkakabangga niya dito. Masakit ang pagkakauntog ng kanyang puwet pero dahil good mood siya kahit hindi niya nabati si Johhans ay hindi siya magmamaldita. Papatawarin na niya kung sino man ito.
"Miss, are you okay?" anito at inilahad ang kamay para tulungan siyang makatayo.
Nang inangat niya ang kanyang tingin ay parang bumukas ang langit at nagsilabasan ang mga anghel. Tinanggap niya ang kamay nito na naging dahilan para makadaupang-palad silang dalawa ni Johhans.
Kung ito ang palagi niyang makakabunggo ay hindi siya magrereklamo kahit ilang ulit siyang maumpog sa sahig. Kahit masakit, at least ay may Johhans na handang tumulong sa kanya para makatayo. Magkakadikit ang kanilang mga palad at may pagkakataon siyang makausap ito.
Tama nga sila, God has his own way, nakangiting wika niya sa isip.
Hawak niya pa rin ang kamay ni Johhans kahit nakatayo siya. Ayaw niya itong bitiwan dahil pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. And she likes that feeling. Kamay pa lang ang nahahawakan niya ay maganda na sa pakiramdam, ano pa kaya kung yakap-yakap na siya nito?
BINABASA MO ANG
So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)
Romance"Do your best and God will do the rest." Iyon ang mantra ni Jenneliza. Gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sila ni Johhans Santimaier sa simbahan. Naniniwala siya na kung ang babae ay nakukuha sa effort at sinseridad ng mga lalaki, ganoon din...