ABOT HANGGANG TAINGA ang ngiti ni Jen nang makalabas ng kotse ni Johhans.Kung bitbit lang niya ang kanyang laptop ay isusulat niya kaagad ang malaparaisong lugar na tinatanaw niya ngayon.
Mayroong magaganda at naglalakihang puno sa paligid. Unlimited na sariwa at malamig na hangin para sa lahat. She extended her arms to feel the cold breeze and closed her eyes. Kung papipiliin siya kung saan niya gustong tumira ay pipiliin niya ang lugar kung saan siya naroroon ngayon. Kahit wala siyang magandang trabaho basta'tganito kagandang tanawin ay papayag siya. Lalo na kung kasama si Johhans.
Patuloy niyang ninanamnam ang kagandahan ng paligid nang may maramdaman siyang humawak sa kamay niya. Kahit hindi niya imulat ang kanyang mga mata ay sigurado siyang si Johhans iyon.Sino pa ba ang naroroon kundi sila lang dalawa.
She secretly smile before opening her eyes. She saw Johhans beside her. Smiling and holding her hands. Ngumiti siya rito at napapasulyap sa kamay niya na hawak nito. Nahuhulog na ba sa kanya si Johhans? Kung oo ang sagot sa tanong niyang iyon, sana magtuloy-tuloy na.
Sinimulan na nila ang paglalakad. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.
"Do you like the view?" nakangiting tanong nito sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ang binata."I love you ba sabi mo?"
Naningkit ang mata nitong nakatitig sa kanya. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kamay niya at nagsimula ulit sa paglalakad.
"Joke lang po." Ngumisi siya rito. "Ang ganda ng view," sabi niya habang mataman pa ring nakatingin dito.
His lips twitched into a smile. "Are you referring to me?"
"Hm...hmm." sagot niya sabay tango.
"Thank you."
"Your welcome."
Magkahawak pa rin sila ng kamay hanggang marating nila ang isang bahay.Napa-wow siya sa laki nito. Ang klase ng bahay na nasa harap niya ay katulad ng mga magagarang bahay na nakikita niya sa mga pelikula. Mga bahay ng mga mayayaman.
Mayayaman? She ask herself at naibaling ang tingin sa katabi.
"Welcome to my house," biglang wika nito at nauna nang pumasok sa malaking pintuan. Nakatingin lang siya rito hanggang tuluyan na itong nilamon ng pinto. Nung hindi na niya ito makita ay saka pa lang niya napansin na hindi na sila magkahawak ng kamay. Dali-dali siyang sumunod dito.
"Joh"
Napako siya sa kinatatayuan nang makitang may kayakap itong babae. Nakatingin sa kanya ang babae. Makikita sa mga mata nito ang gulat ngunit nanatili itong nakayakap kay Johhans.
"Himalang napadalaw ka." Isang boses ng lalaki na nagmumula sa kanyang likuran kaya lumingon siya upang tingnan kung kanino galing ang magandang boses na iyon. When she saw him, she almost drop her jaw.
Isang lalaki na tanging tuwalya lang ang tanging saplot sa katawan. May butil-butil na tubig sa katawan nito na tumutulo mula ulo hanggang sa tiyan nito.
Napalunok siya ng laway sa nakakatakam na pandesal nito kaya upang pigilan ang sarili na huwag maglaway ay inangat niya ang tingin sa mukha nito. Napalunok na lamang siya ulit habang nakatingin dito. The guy is smiling at her. Not an ordinary smile. Ngiting nang-aakit. Inaakit ba siya nito o guni-guni lang niya iyon?
Nagising ang kanyang diwa nang may marinig siyang tumikhim malapit sa kanyang tainga. Binalingan niya ito ng tingin. Laking gulat niya nang makita si Johhans sa kanyang tabi. Magkasalubong ang kilay nito at napailing ng ilang ulit bago siya iniwan at nilapitan ang lalaking nakahubad.
BINABASA MO ANG
So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR)
Romance"Do your best and God will do the rest." Iyon ang mantra ni Jenneliza. Gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sila ni Johhans Santimaier sa simbahan. Naniniwala siya na kung ang babae ay nakukuha sa effort at sinseridad ng mga lalaki, ganoon din...