Chapter 2

16 0 0
                                    



ACE'S POV

"Grabe pare, nakuha mo agad ang number niya? Hindi man lang siya nagdalawang isip. Hustler na hustler pare ah." Sabi ni Kim habang naglalaro ng billiard.

"Oo nga pare, buti hindi nagpakipot. Kung sa ibang babae yan, bago mo pa makuha panigurado may ipapagawa pa sayo or magpapakipot pa." Sagot naman ni Christian habang kalaro si Kim sa Billiard.

Tumayo naman ako kinuha ang tako ni Christian at tumira. "HAHAHAHAHAHA! Ako pa ba? Alam na alam ko ang ganon klaseng babae, mabilis bibigay lalo na alam mo may gusto sayo yung tao? Tss."

"Tangina pare! Kumakapal ah?" Sagot ni Kim at tumawa naman sila. "Paano ka naman nakakasiguro na may gusto sayo si Grace?" Dagdag nito.

"Simple lang. Mararamdaman mo naman eh, at halata naman. Hindi niyo ba nahahalata kanina? Grabe kung kiligin, kinikilabutan tuloy ako." Sabi ko at binuksan ang coke ko na nasa lata.

"Kinikilabutan? I don't think so pare, the way how you look Grace kanina. Ibang-iba." Sagot ni Jeff na nasa tapat ko.

Tumayo naman ulit ako, "Ibang-iba? Yeah. Ibang-iba nga." nagsmirk naman ako.

Lumapit naman sa akin si Kim at inakbayan ako, "In love pare?" Tumingin naman ako sandali sa kanya at tumingin sa ibang side. "In love?" Umalis ako sa pagkakaakbay ni Kim.

"Ako mai-in love? Nagpapatawa ka ba?" Tanong ko kay Kim.

"So kung hindi ka in love, eh ano yon? Ano yung nakita namin kanina? Pero pare kamukha niya ang ex mo." Tanong naman ni Christian at doon ako napatigil sa sinabi niya.

Yes. Kamukha nga niya ang ex ko, ang ex ko na si Anne. Ang ex ko na nanakit sa akin ng sobra, Ang ex ko na pinagtaksilan nila ako ng dati kong tropa na si Dominic. Ang ex ko na halos apat na taon kong minahal.

"Napatigil ka? Don't tell me mahal mo pa ang ex mo at dahil kamukha niya ang ex mo. Alam ko na naiisip mo, alam ko na ang gusto mo gawin." Sagot ni Mike. Napatingin naman ako sa kanya at natawa na lang.

"Don't tell me, gagawin mo ulit yung ginawa mo dati? Tangina mo pare!" Pigil sa akin ni Kim.

"Bakit pare? Pipigilan mo ko? Pipigilan niyo ako?

Nakatingin lang sila sa akin, sa ganon sitwasyon alam nila hindi nila ako mapipigilan lalo na alam kong nagsisimula na ako.

"Pare, ilan babae na dumaan dyan sa mga balak mo! Ilan pa ba gusto mo?" Pagalit na tanong ni Kim.

Tumingin ako kay Kim, "Ilan? Hanggang sa mawala yung sakit na nararamdaman ko, Hanggang sa makalimutan ko na siya, Hanggang sa maiparanas ko ang sakit at galit na naranasan ko sa ex ko. Hanggang sa magawa ko lahat ng gusto ko, at kapag nagawa ko na titigil na ako kasi nakontento na ako." Pagalit kong sinabi kay Kim.

"At kay Grace mo ipaparanas yon? Pare, Grace is not Anne. Kahit magkahawig sila, but still they're different. Why don't you move on without doing this kind shit plan of yours. What's the use of us? Kaibigan mo kami pare. Ang tanging makakatulong sayo para makamove on ay ang sarili mo or kami. Libangin mo lang ang sarili mo and that's it."

Sa punto ito lumapit ako kay Kim at hinawakan siya sa magkabilang kwelyo niya, "How many times did I tell you that I don't need that kind of advice?!! And the only way to move on is to get revenge."

"Revenge? Tanga mo Ace. Hindi ka pa talaga nagsasawa? Nasasayahan ka parin makita ang mga babae umiiyak at nasasaktan no? Parang sa kapatid mo, nasaktan na nga yung kapatid mo babae. Pero ano ginawa mo? Imbis na i-comfort mo, natuwa kapa. Kasi naghiwalay sila ng boyfriend niya. Ano klase ka tao? Ano klase ka kapatid?" Susuntukin na sana ako ni Ace pero agad naman lumapit sa amin sina Jeff at pinaghiwalay kami dalawa.

"Tumigil na kayo pareho, heto na naman tayo sa issue ito." Pigil ni Jeff sa amin dalawa.

"Kim, Hayaan mo na siya sa gusto niya gawin. Wala na tayo magagawa, parang hindi na tayo nasanay sa ginagawa niya." Sabi ni Christian habang hawak niya si Kim

Pumiglas naman si Kim sa pagkakahawak ni Christian at tiningnan kami, "Hayaan? Tangina. Nagpapatawa ba kayo? Bakit? Hindi porket nasanay na tayo sa kanya ay susuportahan natin siya sa mga plano niya kahit alam naman natin ay mali. Tapos idadamay pa niya ang inosente babae? Dahil magkahawig lang sila ng ex niya? Tss. Kung sa inyo kaya niyo siya hayaan." Tumingin naman sa akin si Kim at lumapit, "Pwes, ako hindi."

Umalis si Kim ng billiards at padabog na sinirado ang pintuan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mahal ko eh Where stories live. Discover now