“Hmm.. Hmm.. Hmm”
Nandito nga pala ako sa kwarto ko sa bahay nina Stephen. Maagang umalis si Stephen kaya hindi ko siya naabutan nung paparating pa lang ako. Ano kaya ang magiging reaction niya pagnakita niya ako rito? Mukhang magagalit ata. Syempre, nabadtrip nga siya dahil sa pagconfess ko sa kanya sa harap ng mga students. At sa tuwing magkikita kami puro sigaw ang natatanggap ko mula sakanya. Ang brutal hindi ba? Pero kahit ganyan si Stephen, mabait talaga yan.
Napagdesisyunan ko na maglinis sa kwarto ni Stephen. Nagpaalam naman ako sa mommy ni Stephen. Okay lang daw na hindi na ako mag paalam. Kaya kumuha ako ng mga gamit panglinis. Feather duster at Vacuum cleaner lang naman. Pagpasok ko sa kwarto niya. Wow! Ang linis-linis, parang kwarto ng babae sa sobrang linis. Pero syempre, gusto ko paring gawing super linis ang kwarto niya. Sinimulan ko ang paglilinis. After 10 minutes, natapos na rin ako. Walang kahirap-hirap!
“Medyo napagod ako nun ah. Pero tingnan niyo naman, super linis na.” Tiningnan ko ang oras, 9:45 am pa. Dahil sa pagod ko, nahiga ako sa kama niya. Wow, ang lambot. Ang sarap matulog.
“Hoy!”, “Hoy babae!!” “Gumising ka diyan!!!”, “Hoy!!”… Yun ang ingay na narinig ko. Ano ba! Natutulog yung tao.
Pero bigla nalang akong nagising ng mahulog ako. Ouch! Ang sakit! Pagtingin ko, si Stephen. Inihulog pala ako ni Stephen. Ang brutal hindi ba? Pero wait…Mukhang galit siya! Parang lalamunin ka na ng buhay. Waaaa!!! Bigla ko naman ulit na tandaan na nandito pala ako sa kwarto ni Stephen. Tiningnan ko ang oras, 10:40 na! Halos 1 hour akong tulog.
“WALANG HIYA KA! BAKIT NANDITO?! AT PAHIGA-HIGA KA PA SA KAMA KO!!” Heto na naman tayo. Another sigaw na naman..
“Ee, kasi-“
“UMALIS KA!! LAYAS!!” OMG, gusto nang lumabas ng luha ko. Pero pinipigilan ko. Ayokong umiyak sa harap ni Stephen. Kaya mabilis akong lumabas. Nakita ako ng mommy ni Stephen na palabas.
“Yhannie? Bakit? Ano nangyari?” TTnTT Tanungin niyo po yang brutal niyong anak! Gusto ko sanang sabihin yan pero ayoko. Natatakot ako. Kaya mabilis akong kumaripas ng takbo. Pumunta ako sa park, sa may lawa. At doon akong nagpalipas ng oras. Kumuha ako ng bato at tinatapon ko sa mga ducks na lumalangoy sa lawa. At yes, umiiyak parin ako. Ang OA ko noh?
“Mukhang natatakot kayong matamaan ng bato ah. Ayaw niyong masaktan noh?”
“Quack, quack”
“Yan, umilag kayo. Super sakit kasing masaktan. TT n TT” Lalong bumuhos ang mga luha ko. Waaaaa!! TT n TT
“Quack, Quack, Quack.”
“Mabuti pa kayo. Palangoy langoy lang diyan. E ako, pinagalitan na naman ng crush ko. Kilala niyo kung sino? Si Stephen Tyler Lacson lang naman. Ewan ko kung bat iniiyakan ko to. Ewan ko lang kung bat bumigat agad ang pakiramdam ko.”
“Quack, Quack!” Nababaliw na ata ako. Nag-uusap kami ngayon ng mga ducks. Parang nagkakaintindihan lang kami.
Nabigla nalang ako ng may nag-offer nang panyo sakin. Pagtingin ko sa taong yun, si Cross pala. -_-“
“Wag na, di ko need ang panyo mo.”
“Anong hindi, oh! Kunin mo.”
“Ocge na nga!” Maya-maya ay umupo siya sa tabi ko. Umusog naman ako papalayo sa kanya.
“Ano bang problema?”
“None of your business.”
“Ahh okay. Willing pa sana akong makinig.”
“So?”
“Pwede magtanong?”
“Nagtatanong ka na nga ee. Tsh.”
“Ibang tanong to.”
“Ano na naman yan?”
“Bat ba ang suplada mo? Saakin ka lang ba nagsusuplada? Bakit? May nagawa ba akong masama?”
“I invoke my right to self-incrimination”
“Ano ka? Napoles?”
“Ang dami kasi. Isa-isa lang.”
“Bat ba ang suplada mo? Kahapon sa school, di mo man lang inaccept yung offer kung ipatayo ka.”
“Suplada na ba yun? Syempre hindi ko kailangan yung kamay mo dahil makakatayo ako mag-isa. Yun lang naman yun.”
“Ahh.. So, friends?”
“Pag-iisipan ko pa.”
“Pag-iisipan pa?”
“Oo. Baka…”
“Baka ano?”
“Wala. Cge alis na ako. Isasauli ko nalang tong panyo mo sa Monday.”
“Di na kailangan.”
“Bahala ka.”
![](https://img.wattpad.com/cover/9646543-288-k652378.jpg)
BINABASA MO ANG
Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)
RomanceGirl - Simpleng babae, mabait, sweet, optimistic. May crush sa isang oh so genius guy sa kanilang campus. Naging personal maid. Boy - Ang chick-magnet sa school nila, super duper gwapo, super duper matalino, super duper talented, super duper suplado...