YHANNIE’S POINT OF VIEW
“Hoy best! Anong oras ka umuwi kahapon?! Ang tagal kitang hinintay, sabi mo tutulungan mo ako?” Isang tanong ang ibinulaga ni Prim saakin. Oo nga noh. Nakalimutan ko na magkikita kami sa bahay. Hehe ^_^”
“Ay sorry best. May nangyari kasi, kaya ayun.” Paliwanag ko.
“Anong nangyari?”
“Ganito kasi…” Kinuwento ko kay Prim ang lahat ng nangyari kahapon.
“Hala! Okay ka na ba?” Alalang tanong niya.
“Yep. Mas malakas pa kaya ako kaysa sa kalabaw. ^_^”
“Pero, buti nalang at binantayan ka ni Cross noh. Mabait naman pala siya.”
“Oo nga e, nagsungit ako sakanya at ang dahilan lang ay rival siya ng mylabs ko.”
“Don’t judge a book by it’s cover kaya.”
Bigla namang pumasok ang guro namin.
“Uhm, Yung mga members ng choir club, may practice tayo ngayong hapon.”
“Oy best, samahan mo ako mamaya ha.” Sabi ni Prim. Member kasi siya ng choir club.
“Okay.”
Agad naman nagsimula yung klase. After 15468846 years, tapos na yung klase nami. Hinatak ako ni Prim papuntang music room. Pagkapasok namin, nakita ko si Stephen at yung ibang choir members na nagpapractice na. Pero bigla nalang tumigil si Stephen.
“Pre, kaw nalang muna magguitara, nawalan ako ng gana e.” sabi niya at agad namang lumabas dala yung gitara niya.
“Hoy Stephen! Kaw gitarista! Wag mong iwan ang trabaho mo!” sabi ng instructor. Hahabulin sana niya si Stephen pero pinigilan ko siya at sinabing ako nalang ang tatawag. Hindi ko siya hinintay na makasagot, agad akong tumakbo.
“Nasaan na kaya siya? Ang bilis naman niyang makatago.” Nilibot ko ang buong campus namin pero ni anino niya, hindi ko makita. Pero may bigla akong narinig,may naggigitara. Mukhang na sa rooftop nanggaling yung tunog, baka nandoon si Stephen, yun lang kasi ang lugar na hindi ko pa napuntahan. Agad akong tumakbo papunta roon. Habang papalapit ako, lumalakas din yung tunog ng gitara kaya sure na sure na talaga akong na sa rooftop nanggaling yung tunog.
Pagkadating ko sa rooftop, nakita ko agad si Stephen. Nakapikit yung mata niya at nagsastrum ng gitara niya. Bigla niyang iniba yung tuno ng kanta. Wait- alam ko to ah! Bigla namang kumanta si Stephen. Ang ganda talaga ng boses niya. Para akong nasa langit. Feeling ko naman na ako yung hinaharanahan niya. Whahaha.
[Stephen]
Once in a lifetime
means there's no second chance
so I believe that you and me
should grab it while we can
[Yhannie]
Make it last forever and never give it back
[Stephen]
It's our turn, and I'm loving' where we're at
[Both]
Because this moment's really all we have
[Stephen]
BINABASA MO ANG
Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)
RomanceGirl - Simpleng babae, mabait, sweet, optimistic. May crush sa isang oh so genius guy sa kanilang campus. Naging personal maid. Boy - Ang chick-magnet sa school nila, super duper gwapo, super duper matalino, super duper talented, super duper suplado...