Chapter 8 : Si Boss sunget na naman.

201 13 2
                                    

Pagkarating ko sa bahay nila, pumunta agad ako sa kwarto niya. Baka kasi nandon siya. Kumatok ako pero walang sumasagot kaya tinry kong buksan ang pinto. Salamat at bumukas. Wala palang tao pero nakarating na kaya si Stephen?

Naglibot ako sa kwarto niya. Nakita ko ang isang sculpture na maliit. Mukhang project nila. Ang ganda ng pagkagawa, pangprofessional. Nabigla nalang ako nang may biglang bumukas ng pinto. Natabig ko ang sculture kanina. O_O!!! OMG!! Paano na to?!?!?!? Nasira ko yung sculpture!

“PATAY! Stephen, di ko sinasadya. Nagulat lang kasi a-“

“MALAS KA TALAGA! UMALIS KA NGA DITO SA KWARTO KO! WALA KANANG GINAWA KUNDI GULUHIN ANG BUHAY KO!!” Pasigaw na sabi nito. Nanlilisik ang mga mata na para bang kakainin ako.

“Sorry talaga. Nakita mo naman ang nangyari diba? Nagulat lang ak-“

“UMALIS KA NA AT WAG NA WAG MO NANG GULUHIN ANG BUHAY KO!!” sabi niya habang nakatingin diretso sa mata ko. Tagos to the bones lahat ng sinabi niya. Gusto kong umiyak pero wag muna. Wag sa harap niya >.<

Agad naman akong umalis. “Sorry talaga” sabi ko at sinara ang pinto. Tumakbo agad ako sa park kung saan ako umiyak. At yun nga, umiiyak na naman ako. Wala na akong ibang magawa kundi umiyak ng umiyak.

 “Ang tanga tanga ko talaga. Bat pa kasi ako nagbakasakaling tuturuan ako ni Stephen na ang obvious namang ayaw niya. Ang tanga tanga mo talaga Yhannie!!” Sinusuntok suntok ko ang dibdib ko. Mas mabuti pang masaktan physically.

Pero may biglang humila sa kamay ko at itinapat ito sa dibdib niya. Si Cross. Si Cross na naman.

“Wag mong saktan ang sarili mo. Kung gusto mo, ako nalang suntukin mo. Sakin mo ibuhos ang galit mo para maibsan kahit konti lang.” Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinunud ko ang sinabi niya.

“WALANG HIYA KA STEPHEN! AKALA KO BATI NA TAYO! AKALA KO TINANGGAP MO NA AKO!! BAKIT BA GANON!! HUH?!! KAINIS KA STEPHEN!! BAKIT BA ANG MANHID MO!! BAKIT BA HINDI MO MARAMDAMAN NA NASASAKTAN AKO SA TUWING PAPAGALITAN MO AKO?! KAINIS KA!! KAINIS KA!! KAINIS KA!!” Nasabi k okay Cross lahat ng gusto kong sabihin kay Stephen.

“Sige, iiyak mo lang yan.” Sabi ni Cross habang niyayakap ako. Matapos ng ilang minuto ng pag-iiyak, nahimasmasan na ako at umalis na sa pagkayakap ni Cross.

Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon