Chapter 12 - Trabaho din pag may time :)

180 13 1
                                    

“Good Morning sir, what will be your order?” Tanong ko sa costumers, mukhang mga sira ulo ang napagtanungan ko. Puno ng mga alahas ang mukha. Yan na ba ang fashion trend ngayon? -_-

Nandito nga pala ako sa isang restaurant. And yeah, I’m working here. Part time lang. Ayaw kasi ni Stephen na mamalagi ako doon sa bahay nila. Dahil marami akong spare time, naisipan kong magtrabaho sa isang restaurant. I’m a waitress here and hell yeah, I'm proud of that!

“Uhm.” Sagot ng costumer. Tinitigan niya ang nameplate ko. "I'll have miss Yhannie." sabi niya sabay smirk..

"I'm sorry sir, but if i'm not mistaken, there is no Yhannie on the menu. Can I have your proper order again?" Sagot ko. Aba! Galing ko noh?! Whahahaha! Never akong magpapabastos noh!

"Hahaha! Okay fine. Hindi ka naman mabiro miss. But to tell you honestly, i like you." Sagot naman ng isa. Duh! I already know it. Maganda ako, kaya di na nila dapat ipamukha saakin. Whahahaha!

"Uhm, Thank you? But it's not my apperance that i'm asking, i'm asking for your orders." Sagot ko sabay ngiti ng pagkatamis tamis! Bahala na kayong maglaway diyan.

"We'll just have some beer miss." Sagot ng isa pa. Mabuti pa 'tong isa, madaling kausap.

“Okay sir, I’ll be right back to deliver your order.” Pumunta agad ako sa counter at ipinasa ang order ng costumer. I’m enjoying my job here. Medyo maganda rin ang restaurant na ito dahil may mga banda pang nagpeperform.

Matapos ang ilang minuto, ready na ang order, kaya dinala ko ito sa costumer. “Here’s your order. Enjoy!

Break time naming mga workers. Nagkaroon kami ng konting chika-chika.

“Hey, alam niyo ba. Ang gwapo ng lalaking siniservan ko kanina. Pang-artista ang beauty.” Sabi ni Cherry. Isa sa mga kasamahan kong waitress.

“Yan ba yung nakahoodie kanina?” Tanong ni Mae, isa rin sa waitress dito.

“Yup. Ang gwapo niya diba?” - Cherry

“Oo! Kyaaa!” – Mae

“Tigilan niyo nga yan. Kumain muna kayo at magbreak, baka mapagod kayo mamaya.” Saway ni Rushel. Ang in-charge sa counter.

“Okay po.” Sabay na sabi ng dalawa.

“Eh ikaw Yhannie, nag-eenjoy ka ba dito?” tanong ni Sarah. Kapwa waitress din.

“Yup. Super enjoy.” Sagot ko.

“Mabuti naman.” Sabi niya ulit with a smile.

Pagkatapos ng break namin, nagtrabaho agad kami. Medyo nakakapagod rin pero atleast enjoy. Nakakasalamuha mo ang iba't ibang tao. Pampalipas rin to ng oras habang pinag-iisipan ko pa kung paano maging close kay Stephen. Ahihihi!

“So, ano itong about sa crush mo Yhannie?” tanong ni Cherry sakin. Naikwento ko kasi sakanila na isa lang ang crush ko. Loyal kaya to!

“U-uh, eh…” Nagdadalawang isip ako kung ikukwento ko ba dahil baka akalain nila na ipinagyayabang ko siya.

"Ih, Oh, Uh!" Dagdag ni Cherry. Duh! Hindi kaya vowels ang sinasabi ko! -_-

“Sige na. Atin-atin lang naman ee.” Pagpipilit ni Mae.

“Oh sige na nga. Ang pangalan niya ay Stephen Tyler Lacson. As you can see, we’re studying in a same school. Gwapo, Mayaman, Matalino, magaling sa kahit anong bagay. Complete package, ika nga.” Kwento ko.

“Wow! Meron palang lalaking ganyan. So, mabait din ba?” Tanong ni Sarah.

“Oh well, mabait naman. Pero minsan, pinapagalitan ako.” Patuloy ko.

“Huh? Bakit ka naman papagalitan?” Tanong ulit ni Cherry.

“Eh kasi, nagtatrabaho din ako bilang Personal Maid niya.” Nanlaki ang kanilang mga mata ng marinig ang sinabi ko.

“Whoaa!! So, lagi mo siyang nakakasama?” - Sarah

“Ikaw ba naglalaba ng mga damit niya? Mga brief? Uwwaaahhh!! >///.///<”  - Mae

“Sira! Hindi ko naman pinagpapantasyahan ang mga brief niya!” - Ako

“Kahit pa. Pero, ang swerte mo naman girl.” – Cherry.

“Ah sus. Uwi na nga tayo!” Anyaya ko sa kanila.

“Magkwento ka pa.” Sabi ni Cherry na halatang na bitin sa kwento ko.

“Bahala na kayo diyan. Basta uuwi na ako.”  Agad naman akong lumabas sa restaurant at umuwi. Hindi naman ako masyadong mayabang upang ipagsabi ang tungkol kay Stephen. Syempre! Gusto ko na ako lang ang pumapantasya sa kanya! Mamatay na sila sa inggit!

[ AUTHOR ] : Pasensya na po at napatagalan ang update! Super busy na kasi sa clearances ang author niyo. Ahihihih~ Sana po di kayo nabobored sa story...

Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon