“Nasabi mong gusto mo maging personal maid ni Tyler. At napag-alaman kong magkaklase lang kayo. So I guess 18 ka na?”
“Opo.”
Nandito nga pala kami sa Starbucks kasama ang mommy ni Stephen. Natapos na kasi ang class namin. Pinag-uusapan namin ang pagiging personal maid ko kay Stephen. OMG! >///w///<. Palagi ko nang makakasama si Stephen!
“Great. Hindi ka na minor so hindi na ako masyadong makakaproblema. Php 10,000 every month ang sahod mo plus Php 3,000 kapag magtatrabaho ka every weekend. Ibibigay ko din sayo ang duplicate ng bahay namin. Kung maaari, doon ka nalang magstay, may extrang kwarto sa bahay. Ikaw na din ang bahalang maglinis ng kwarto ni Tyler. Ibibigay ko din sayo ang number ko at number ni Tyler.”
“Okay po. Makakatiwalaan po ako.” Oh yeah! Sa tanagal-tagal na pagkahumaling ko kay Stephen, ngayon lang talaga na sagot ang mga dasal ko. Mas Masaya pa ako kaysa sa nanalo ng lotto. Kyaaa!! >///w///<
“Alam ko. Unang kita ko palang sayo, alam kong ikaw ang bagay na maging personal maid ni Tyler.”
“Hehe. Thank you po.”
“Kailan mo gustong magsimula?”
“Ngayong Saturday nalang po.”
“Okay. Hindi muna ako pupunta ng office ngayong Saturday. Baka magtaka kasi yung si Tyler pag nakita ka niya doon. Ako nalang mag-eexplain. Kaya walang problema yun.”
“Okay po!”
Matapos nun ay binigyan nga ako ng duplicate key ng mommy niya. Binigyan din niya ako ng number ni Stephen. Uwaa. >///.///<.
Pagkatapos naming mag-usap, nagshopping pa kami ng mommy ni Tyler. Ang bait noh? Binilhan niya ako ng mga damit, sapatos at iba-iba pa. Bumili din siya ng maid attire ko. Akakarir ko na talaga ang pagiging personal maid ko. Pagkatapos naming magshopping ay hinatid niya ako sa bahay.
Pagkadating ko sa bahay, hinanda ko agad ang mga gamit ko.
[AUTHOR] : Hindi ka naman ata excited diba?
[MOMO] : Di obvious?
[AUTHOR] : Hahahaha! Sige, patuloy mo na yan.
Kinabukasan, Friday, bukas na, magiging part na ako sa life ni Stephen. Excited talaga akong e kwento kay Prim ang pagiging personal maid k okay Stephen. Kaya dali-dali akong pumunta ng classroom. Dahil sa pagmamadali ko, nauntog ako sa dingding. *BOGSH* Napatumba tuloy ako.
“Okay ka lang miss?” Ay! Nagsasalitang dingding? Itinaas ko ang ulo ko. Nagulat ako at nakaramdam ako ng konting galit. Si Cross Daniel Perez kasi yung nakabangga ko. Siya ang rival ni Stephen sa school. Siya ang parati niyang kakompitinsya. Katulad ni Stephen, magaling din siya sa kahit na anong bagay. Kaya super popular din niya sa school.
CROSS’ POINT OF VIEW
“Hey, okay ka lang ba miss?” tanong ko ulit sa kanya. Ang tagal niya kasing sumagot.
“Napatumba nga ako, paano ako magiging okay? Tsh.” Ayy, oo nga naman. Pero ang suplada ah?... Inabot ko sa kanya ang kamay ko para tulungan siyang tumayo pero tumayo lang siya mag-isa at tumakbo. =_=
“Bro, kawawa ka naman. Nireject?” sabi ng mabait kong kaibigang si Mike.
“Whahahaha! Oo nga. Wa epek na yang charms mo.” Dinagdagan pa ni Christian.
“Tumigil nga kayo!” pasigaw na sabi ko. Baka naman nagmamadali lang.
“Try mo ulit magbangga ng babae pre, at tingnan uli natin kung wa epek na ba talaga yang charms mo para ako pumalit sayo sa pinakagwapo rito sa campus. Ahihihi~” Sira talaga oh.
“Lang ya!” Pumunta naman agad kami sa classroom namin.
YHANNIE’S POINT OF VIEW
“Best! May good news ako sayo. See this?” sabi ko sabay pakita ng duplicate key nina Stephen.
“Susi? Anong meron diyan? Hala best! Susi yan ng cafeteria noh? Balak mong magnakaw?!” Sira talaga tong si Prim.
“Sira! Anong tingin mo sakin magnanakaw?” =_=
“Uhhmm… E ano yan?” Super naguguluhan talaga siya. Well, okay lang naman na maguluhan siya. Hindi ko pa kasi sinasabi yung good news. *smirk*
“Duplicated key to sa bahay nina Stephen.” Sabi ko kay Prim ng pabulong.
“Hala! Balak mong magnakaw sa kanila?! Naku best, bad yan! Akin nay an at itatapon ko!” *sapak*
“Hina mo talaga best. Ang good news ko lang naman e, magiging personal maid ako ni Stephen.”
“Uweeeehh?? Grabe naman ng panaginip mo best.” Anong panaginip? Totoo kaya! Tsh.
“Di to panaginip best. Totoong totoo to! Promise, swear to God!”
“Talaga?!”
“Talaga.”
“Talagang talaga??”
“Talagang talagang talaga.”
“Uwaaaaaahhhh Best! Congrats!! Proud na talaga ako sayo. TT u TT” Ang late reaction naman nito.
“Ahihihi! Ako pa ^_~”
[AUTHOR] : Sorry if medjo O.A si Yhannie. >.< Di ko alam kung paano gawin yung reaction niya ee.. Ahihihi..
Pero i hope na gustuhan niyo. Keep waiting for the next update. Then, leave your comments too, tinatanggap ko po kahit pangit yung comments nyo atleast malaman ko kung saan ko dapat ibahin o baguhin :)
At tsaka, Vote din po. :D Thank you!!
THANKS NG MARAMI !!!
BINABASA MO ANG
Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)
RomanceGirl - Simpleng babae, mabait, sweet, optimistic. May crush sa isang oh so genius guy sa kanilang campus. Naging personal maid. Boy - Ang chick-magnet sa school nila, super duper gwapo, super duper matalino, super duper talented, super duper suplado...