STEPHEN’S POINT OF VIEW
“Ma! Bat siya?!” tanong ko kay mommy. Kainis naman e. Nagdedesisyon ng hindi ko alam. Hindi man lang hinihingi yung opinion ko sa babaeng yun. Nakakasira ng araw.
“Siya yung gusto ko. May angal?”
“Ayoko sakanya. Alam mo naman yung ginawa niya.” Anong gusto niya? Pagchichismisan kami sa school? Gagawa na naman ang mga estudyante ng kwento na magboyfriend – girlfriend kami.
“Hindi ko na problema yan. Basta ng decision is final and you can’t change it.”
“Lage naman e.” sabi ko at sabay pasok ko sa kwarto. Kainis talaga. Magiging Personal Maid ko yung babaeng yun?!
Araw ng linggo. Mabuti nalang at hindi pumasok sa pagiging personal maid yung babaeng yun. Ayaw na ayaw ko talaga siyang Makita. Nakakabadtrip yung mukha niya. Nandito ako ngayon sa kwarto at naglalaptop. Nang biglang may nagtext. Unregistered number.
From : (insert number here)
Hi Stephen. Si Yhannie nga pala toh.
Sorry nga pala kung nakatulog ako sa kwarto mo kahapon.
Di ko naman sinasadya ee. Naglilinis ako ng kwarto mo ng biglang dumating si Mr. Antok.
Sorry din ulit dahil nababadtrip ka pagnakikita mo ako.
Halata kasi. Pagnagkikita tayo, again mo akong sinisigawan.
Sorry talaga.
Kabago-bago ko pa lang nagsabi na nababadtrip ako pagtungkol sayo. Bigla ka na naman nagtext. =_= . At sandali, paano niya nalaman ang number ko?! Binigay ba ni mommy?! Tsh!
Tinapon ko nalang sa kama yung phone ko at nagcontinue sa ginagawa ko. Tumunog ulit ang ringtone ng phone ko.
From : (insert number here)
Stephen. Galit ka pa ba saakin? Sorry na.
Di ko ulit nireplyan. Tumunog ulit. Hindi ba talaga niya ako bibigyan ng tahimik na araw?!
From : (insert number here)
Oy, magreply ka naman para di ako maging baliw kakaisip kung nagagalit ka sakin.
Ayokong may nagagalit sakin.
Anong paki-alam ko? Di ko na naman siya nireplayan. Tumunog na naman yung phone ko.
“Hindi ba talaga titi-“ Hindi ko natapos ang sinabi ko ng nakita kung 7210 lang pala. =_=
Tumunog ulit ang phone ko.
From : (insert number here)
Kung galit ka sakin, wag kang mag-alala, babawi talaga ako.
At ngayon, napagdesisyunan ko na talagang magreply pala tumigil na siya.
To : (insert number here)
Pwede ba? Tumigil ka muna sa pagtetext! Nakakadistorbo ka!
Bigyan mo naman ako ng tahimik na araw!
At dahil sa tenext ko, hindi na siya nagreply. Hays, mabuti naman.
AUTHOR : Pasensiya na kung konti lang ang naupdate ko. Pero don't worry, gagandahan ko pa yung story ko sa next update kaya stay tuned. VOTE, SHARE, and COMMENT niyo po ang story ko. I would really appreciate it.
E follow niyo din po ako. :D
Thank You!!
BINABASA MO ANG
Crush Ka Ba Ng Crush Mo? (On-Hold)
RomanceGirl - Simpleng babae, mabait, sweet, optimistic. May crush sa isang oh so genius guy sa kanilang campus. Naging personal maid. Boy - Ang chick-magnet sa school nila, super duper gwapo, super duper matalino, super duper talented, super duper suplado...